Skin Cancer

Sa panahon ngayon ay ginagawa natin lahat upang maging maganda lang ang isang babae, ngunit ang pagpapaganda lang ba ang dapat nating bantayan sa ating mga kutis? Tingnan din natin kung may mga pagbabago ba sa mga skin natin katulad ng pagbabago ng kulay o di kaya’y pagkakaroon ng mga sugat sa kutis at pagkakaroon ng parang mole na kumakapal at kumakalat sa ating kutis. Kung may mapapansin kayong kakaiba sa skin ninyo ay huwag ng magdalawang Isip na magpatingin sa doctor, dahil baka hindi lang normal na sugat o mole na mayroon ka sa kutis mo kundi skin cancer na pala.

May mga taong namamatay na ng dahil sa skin cancer o di kayay dahil sa melanoma. Ito ay tumutubo sa kutis natin at kakapal din ito, ngunit kapag ito ay nalunasan kaagad,ay makaka survive ang taong mayroon nito. Ang skin cancer ay nagagamot kapag ito ay naagapan kaagad. Kung ito ay hindi naagapan kaaagad sa early stage pa lang ay nakakamatay din ito. Kung titingnan niyo lang mabuti ang kutis niyo ay mabilis lang na malalaman kung may skin cancer nga ba kayo.

May mga warning signs ito na nagsisimula sa epidermis natin. Ito ang mga klase ng skin cancer; Ang “none melanoma” ay ang skin cancer na nagsisimula sa ilalim ng epidermis natin. Ang mga tumors na ito ay mahina lang ang pagtubo nito. Ang “basal cell cancer” naman ay sinasabing hindi naman ito nakakamatay, ngunit kapag hindi nagagamot agad ang isang tumor ay nagdedeform ito. Ang itsura nito ay flat na pula or pink ang kulay na maliit lang ito at parang waxy. Kadalasan sa mga tumors ay tumutubo sa skin na nada-damage ng araw katulad ng ulo at leeg.

Ang “malignant melanoma” naman ay ang pinaka deadliest form ng skin cancer at nagsisimula ito sa melanocytes o melanin. Ito ay pwedeng mag spread sa buong katawan kaya dapat itong ginagamot kaagad. Ang itsura nito ay flat na moles na kumakalat sa ating katawan. Icheck ang inyong sarili sa pamamagitan ng mga ito;

1) Tingnan ang harap at likod ng inyong katawan sa harap ng salamin. 2) Tingnan maigi ang kaliw’t kanan ng inyong katawan at itaas ang mga kamay at itiklop ang mga elbows. 3) Icheck ang underarms, forearms, at likod ng inyong mga kamay. 4) Gumamit ng salamin upang tingnan ang leeg at scalp. Gumamit ng blow dryer upang ma tingnan maigi ang inyong scalp.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here