SIKRETO NG AGELESS BEAUTY NI JENNIFER LOPEZ

Isa si Jennifer Lopez sa mga hinahangaan hindi lamang sa galing niya sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte kundi pati na rin sa kanyang kakayahan na magmukha pa ring nasa twenties kahit 48 years old na siya.  Ano nga ba ang sikreto ng ageless beauty ni J.Lo?

PAGIGING NICE

Ang kanyang super easy secret beauty weapon daw ay pagiging nice. Nice daw siya sa kanyang katawan, hindi niya ito inaabuso. Hindi niya ine-expose ang sarili sa ilalim ng araw, hindi siya umiinom ng alak, hindi siya naninigarilyo, at hindi nagte-take ng kahit anong may caffeine. Nakakasama raw kasi ang mga iyon sa kanyang balat. Naniniwala siya na kung anong ipinapasok mo sa iyong katawan at kung anong nararamdaman mo ay nagre-reflect iyon sa panlabas na anyo.

GREEN VEGGIES

Malaking bahagi ng diet ng sikat na actress/singer ang gulay. Mahilig siyang kumain ng mga green vegetables tulad ng asparagus, brussel sprouts, broccoli at kale.

MEDITATION

Kilala si Jennifer sa pagiging magaling sa multitasking. Bukod sa pagiging singer, actress at dancer, siya rin ay fashion designer, entrepreneur, author at producer. May pinapatakbo rin siyang charitable foundation na tumutulong para i-increase ang health care at health education sa mga mahihirap. Kaya naman hindi maiwasan ng mother-of-two na ma-overwhelm kung minsan. Kaya noong nakaraang taon, sa gitna ng pagsasabay niya sa pagpo-produce at pag-arte sa TV show na Shades of Blue, pagiging judge sa American Idol, at paghahanda sa kanyang Vegas show na All I Have, naramdaman niya na kailangan niyang maging grounded. At doon niya nadiskubre ang Transcendental Meditation o ang paraan ng paghihiwalay ng sarili sa mga anxieties at pagpo-promote ng harmony at self-realization. Twenty minutes bawat gabi at umaga ang inilalaan niya para sa meditation.

WORKOUT

Bukod sa toned abs at shapely butt ang isa pang benepisyong nakukuha ni Jennifer Lopez sa pagwo-workout ay kaligayahan. Malaking bahagi ng buhay niya ang pagsasayaw at ng pagbibigay ng oras para igalaw ang kanyang katawan at gawin ang bagay na nakakabuti para sa kanya ay nagbibigay sa kanya ng kaligayahan. Naniniwala din siya na kapag inaalagaan mo ang sarili mo at nagwo-workout ka para maging healthy,nagagawa mong alagaan nang mas mabuti ang mga mahal mo sa buhay. Kaya priority ang pagwo-workout para sa kanya. Isang oras kada araw ang inilalaan niya sa pagwo-workout. 30 minutes ng cardio at 30 minutes para sa muscular structure.

Tuwing nagta-travel siya, malaki ang naitutulong ng workout para sa actress/singer. Instant energy and mood booster kasi iyon para sa kanya. Hindi rin siya nakakalimot uminom ng tubig para ma-replenish ang nawalang liquids sa katawan. At nagpapahinga siya pagkatapos ng workout.

SKINCARE

Naniniwala si, Jennifer Lopez na pagdating sa skincare, less is more. Gumagamit siya ng cleanser na galing sa kanyang dermatologist. Kailangan niya ng magandang cleanser dahil gumagamit siya ng maraming makeup sa loob ng mahabang oras. Gumagamit din siya ng mild makeup remover at very basic na sunscreen-moisturizer combo.

MAKEUP

Ayon sa makeup artist ni Jennifer Lopez na si Mary Phillips, nagfo-focus siya sa skin preparation tulad ng pagfo-focus niya sa pagme-makeup. Minamasahe niya ang mukha ng singer/actress para magkaroon ng magandang blood circulation at maalis ang puffiness.

Para sa base, hinahaluan niya ang foundation ng Giorgio Armani Beauty Fluid Sheer, iyon ang nagbibigay ng popular na glow ni J.Lo. Para hindi naman magmukhang shiny ang buong mukha nito, naglalagay si Mary Phillips ng powder sa T-zone area-noo, ilong at baba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here