Pampaganda Ng Kutis

Ang pagpapaganda ng kutis ay hindi lang dapat sa mukha natin hindi ba? Hindi lang dapat gumagawa ng paraan upang maging maganda ang kutis ng ating mukha, kundi sa buong katawan natin. Kadalasan sa mga kababaihan ngayon ay pinapapuputi lang nila ang kanilang mukha gamit ang ibat-ibang cream at astringent, para sa kanila ay tama na ang maputi nilang mukha at dark iyong katawan nila mula leeg hanggang paa? Subukan ang mask na ito para sa arms at legs natin. Ang mga kamay natin ay dapat magandang tingnan sa tuwing uma-aattend tayo ng party, lalong-lalo na kapag gusto mong magsuot ng sleeveless o di kayay strapless na dress. Subukan ang mask na ito upang maging maputi din ang arms at legs natin. Ingredients;

1) Sugar at lemon      Ito ay natural exfoliant na tinatanggal ang unwanted dead skin sa ating mga kamay at pinapuputi din nito ito. Paano ito gagawin? Sa isang tasa, maglagay ng asukal at ihalo ang kalahating lemon dito. Basain ang mga kamay at imassage ito pabilog sa arms at legs natin gamit ang magkahalong lemon at asukal. Gawin ito ng 2-3 minutes lang at hayaan ito hanggang 2-3 minutes din. Hugasan gamit ang malinis na tubig.

2) Milk at Bananas. Ang perpektong mask upang linisin at papuputiin nito ang skin ng ating mga kamay at paa. Tinatanggal nito ang dryness ng skin natin. Paano ito Gagawin;  Pisain ang hinog na saging at ihalo sa gatas. Iapply sa buong kamay at paa at imassage ng mabuti. Hayaan ito ng 5 minutes at hugasan ng malinis na tubig. Kailan ito Gagawin? Anytime.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here