MGA BENEPISYO MULA SA OLIVE OIL

Nitong mga nakaraang taon, napakarami na ang nagre-rave sa health and beauty benefits na makukuha mula sa Olive Oil. Ang hindi alam ng marami, panahon pa ni Cleopatra ay ginagamit na ito bilang pampaganda. Ang olive oil ay puno ng antioxidants at hydrating squalene kaya marami itong mabuting maidudulot sa buhok, balat at kuko.

Ito ang ilan sa mga benepisyong makukuha mula sa Olive Oil:

HAIR TREATMENT

Kung masyado nang na-damage ang buhok mo dahil sa madalas na pagkukulay, paggamit ng curling iron at hair straighteners, huwag mag-alala dahil kayang buhayin ng olive oil ang iyong buhok. Painitin ang olive oil gamit ang microwave o mainit na tubig. Imasahe ito sa scalp at i-apply generously sa buhok. Mag-concentrate sa tips dahil ito ang pinaka-damaged na bahagi ng buhok. Ibabad ng sampu hanggang dalawampung minuto saka i-shampoo.

HAIR SERUM

Kung naubusan ka ng hair serum o kung sadyang gusto mong magtipid, puwede mong gamitin ang olive oil bilang substitute. Ilang patak lang ang kailangan para magkaroon ng extra-glossy finish ang iyong buhok.

EYELASH GROWTH

Ang olive oil ay natural resource ng vitamins at minerals kaya may kakayahan itong mag-promote ng hair growth. Ini-improve din nito ang quality at strength ng strands at pinalalambot din nito ang buhok.

Hugasan at patuyuin ang walang lamang mascara tube. Punuin iyon ng olive oil at i-apply iyon sa pilikmata gabi-gabi bago matulog. Sa regular na aplikasyon ng olive oil, magkakaroon ng proper nourishment ang iyong pilikmata.

FACIAL CLEANSER

Ang popular na oil cleansing method ay epektibong paraan ng paglilinis ng balat, ang kagandahan sa paraang ito ay hindi nito ine-expose ang balat sa mga harsh chemicals na nasa cleansers.

Maglagay ng isang teaspoon ng olive oil o higit pa kung kinakailangan sa iyong palad. Imasahe ito sa mukha, iwasan lamang na malagyan ang mga mata. Kapag tapos na sa iyong pagfe-facial, basain ng maligamgam na tubig ang wash cloth na inihanda. Ipunas iyon sa mukha para alisin ang oil and dirt. Puwede ring ibabad muna ang warm cloth sa mukha para maging todo na ang facial experience mo.

FACE MASK

Puwede ring maging sangkap sa face mask ang olive oil. Paghaluin sa bowl ang isang tablespoon ng honey, isang tablespoon ng olive oil (heated in microwave) at isang egg yolk. I-apply ito sa mukha at ibabad ng labinlima hanggang dalawampung minuto. Banlawan ng maligamgam na tubig. Ideal ang mask na ito para sa may dry skin.

MAKEUP REMOVER

Ang olive oil kapag inihalo sa tubig ay epektibong makeup remover. Kahit ang waterproof makeup ay kaya nitong i-breakdown. Paghaluin lamang ang two parts olive oil at one part na tubig sa isang bote. Gumamit ng cotton ball para i-apply ito sa mukha. Marahang imasahe ito sa mukha hanggang sa maalis ang makeup.

LIP SCRUB

Paghaluin sa small bowl ang isang teaspoon ng honey, isang teaspoon ng olive oil at isang teaspoon ng brown sugar. Marahang i-rub ang mixture sa mga labi, i-massage gamit ang circular motions. Banlawan gamit ang maligamgam na tubig.

Kung gusto mo namang maging plump ang iyong lips, paghaluin ang isang tablespoon ng olive oil, isang teaspoon ng ground cinnamon at isang tablespoon ng asukal. Marahan itong imasahe sa labi gamit ang circular motion. Ibabad ng lima hanggang sampung minuto saka banlawan gamit ang maligamgam na tubig.

SKIN MOISTURIZER

Imbes na gumamit ng mga chemical-filled lotions, creams at moisturizers, bakit hindi subukan ang natural na paraan ng pagpapaganda. Gumamit ng olive oil pagkatapos mag-shower. Hindi magiging malangis sa pakiramdam kung ia-apply ito sa damp na balat. May kakayahan ang olive oil na pumasok nang malalim sa loob ng balat at magbigay ng long-lasting shield of moisture na nagpapakinis at nagpapalambot sa balat. Mayroon ding anti-aging properties ang olive oil kaya maganda rin itong gamiting day/night moisturizer.

EXFOLIATOR

Ang page-exfoliate ay ang pag-aalis ng dead/dry skin cells sa ibabaw ng balat at isa ito sa importanteng aspeto ng iyong home skincare routine para sa face and body. Ang exfoliation ay hindi lamang nakakatulong sa maraming skin problems, pinagaganda rin nito ang pagdaloy ng dugo na siyang nakapagbibigay ng healthy at glowing skin.

Kung dry at scaly ang iyong balat, puwedeng gamiting body scrub ang pinaghalong olive oil at sea salt. Bilang facial scrub naman, durugin ang walong piraso ng strawberries, ihalo ang extra virgin olive oil at hayaang i-absorb ng strawberries ang oil bago ito marahang imasahe sa mukha. Nakakatulong ito sa pag-alis ng deep-seated dirt and grime sa iyong mukha na magdudulot ng smooth, healthy at glowing skin.

NAIL AND CUTICLE CARE

Naging damaged na ba ang iyong kuko dahil sa walang pahingang paggamit ng nail polish? Patakan na ng olive oil ang iyong polish-free nails at cuticles. Magiging plump at moist ang cuticles at magkakaroon ng natural shine ang iyong kuko.

SHAVING CREAM

Kung naubusan na ng shaving cream, maaaring gamitin ang olive oil bilang shaving cream. Ipahid lamang sa binti bago gumamit ng razor. Makakaiwas ka sa razor burns and bumps sa pamamagitan ng paggamit ng natural na lubricant na ito.

ECZEMA REMEDY

Ang pagte-take ng olive oil internally ay nakakatulong para ibalik ang lakas ng katawan at pagbo-boost ng immunity. Ang paglalagay naman nito sa balat ay nakakatulong para i-hydrate ang balat at pakalmahin ang inflammation na idinudulot ng eczema. Ang epekto ng olive oil ay masusuportahan ng pagdadagdag ng Vitamin E oil at iba pang herbs na mayroong antioxidant properties.

CRACKED HEEL REPAIR

Ang magaspang at bitak-bitak na paa ay nangangailangan ng moisture para maghilom. Pagkatapos mag-exfoliate gamit ang pumice stone, mag-apply ng olive oil sa paa. Magsuot ng medyas para i-lock in ang hydrating treatment habang natutulog ka.

MAKEUP BRUSH CLEANER

Ang paglilinis ng makeup brushes ay dapat regular na ginagawa para maiwasan ang pag-spread ng bacteria habang naga-apply ng makeup.

Maglagay ng 2 parts dishwashing soap at 1 ½ part olive oil sa plato. Ipahid ang makeup brush sa mixture. I-rub ang makeup brush sa palad para lumambot ang makeup na nasa brush. Tinataggal nito ang lahat ng makeup at bacteria na nasa brush. Kapag natapos nang sabunan at i-condition ang makeup brushes, banlawan ang mga ito gamit ang maligamgam na tubig. (Huwag gagamit ng mainit na tubig dahil mada-damage nito ang brushes). Patuloy itong gawin hanggang maging clear ang tubig kapag piniga ang brush. Marahang tuyuin ang mga makeup brushes gamit ang paper towels.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here