Dear Maria: In love sa Childhood friend

Dear Maria,

Lagi akong niloloko ng kababata ko na bading daw ako kaya hindi pa ako nagkaka-girlfriend pero hindi naman totoo iyon. Ang tunay na dahilan kaya hindi ako nanliligaw ay dahil ang kaibigan kong iyon ang gusto ko. Ano ba ang gagawin ko para malaman niya ang totoo? Ayoko rin naman kasi masira ang friendship namin na tumagal na ng dalawang dekada. — Chris

Chris,

Ang takot na nasa iyong puso ay kailangan mong palisin kung talagang gusto niyang magkaroon ng kasagutan ang dahilan kaya hindi ka pa nagkaka-girlfriend. Nakakainis naman kasi kung pag-iisipan niya na isa kang bading dahil lang sa hindi niya nakikita na may nililigawan ka.

Sa isang banda, baka naman tinutukso ka lang niya dahil nais na niyang ilabas mo ang feelings mo sa kanya. Sa mga nobela at palabas kasi kapag tinutukso ng babae ang lalaki na bading tapos mapipikon ang lalaki, hahalikan niya ang girl. Baka naman gusto niyang ganito ang gawin mo. Iyon nga lang, baka kapag ginawa mo ito ay masira rin ang friendship ninyo.

Kaya kung ako sa’yo ay magpakatotoo ka na. Mas maigi ng sabihin mo sa kanya ang tunay na nilalaman ng iyong dibdib para malaman mo kung mayroon ka nga bang pag-asa. Hindi kita gustong paasahin pero malay mo, kaya ka niya tinutukso para mailabas mo na ang pinakatatago mong damdamin sa kanya.

Hindi naman manhid ang babae para di niya maramdaman kung type siya ng lalaki, kaya, kung minsan panunudyo ang ginagawa niya para makuha niya ang sagot na gusto niya. At kung talagang gusto mo ang childhood friend mo, huwag mo siyang basta sukuan kung di mo makukuha ang sagot na gusto mo. Makabubuti kung liligawan mo muna siya ng pormal.

Iparamdam mo sa kanya na hindi ka na lang basta kaibigan kundi manliligaw. At tinitiyak ko sa’yo na anuman ang ipinapakita mong maganda sa kanya ay magbubunga ng maganda sa takdang panahon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here