Chinese Horoscope; Pebrero 28

DAGA (RAT)

Magdadalawang isip ka sa pagtulong sa isang kamag-anak na nangangailangan. Ito ay dahil ilang beses mo na siyang tinulungan subalit hindi niya ito binibigyan ng halaga kaya naman magkakaroon ka ngayon ng pag-aalinlangan.

Masuwerteng numero; 10,13,15,20

BAKA (OX)

Isang oportunidad ang mapapakawalan mo ngayong araw dahil sa padalos dalos mong pagdedesisyon. Masyado kang maraming iniisip kaya hindi mo ito mapag-iisipang mabuti bago pagpasyahan.Hindi mo na ito mababawi.

Masuwerteng numero; 16,17,23,26

TIGRE (TIGER)

Hindi ka titigilan ng iyong karelasyon hangga’t hindi mo ibinibigay ang kanyang kahilingan. Kahit pa anong paliwanag mo sa kanya ay sarado ang isip niya para maintindihan ito. Mapipilitan ka na makipag-argumento.

Masuwerteng numero; 30,40,41,45

KUNEHO (RABBIT)

Yung akala mo ay mahihirapan kang gawin ay hindi mangyayari. Sa halip ay magugulat ka dahil magiging madali lang sa’yo ang lahat. Kaya naman magiging inspirado ka sa mga susunod pang pagkakataon na darating sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,19,22,33

DRAGON (DRAGON)

Magagawa mong talikuran ang isang tao dahil sa kanyang magagawang pagkakamali sa’yo. Gayunpaman ay hindi ito magiging madali. Ikaw din ang unang masasaktan sa iyong gagawin subalit wala kang choice kundi pairalin ang tama.

Masuwerteng numero; 15,20,27,38

AHAS (SNAKE)

Hindi ka mabibigo sa gusto mong mangyari ngayong araw. Aayunan ka ng tadhana. Anuman ang nasa isip mo na mangyari ay kakasihan ito ng iyong kapalaran. Magiging desidido kang tapusin ang iyong nasimulan.

Masuwerteng numero; 45,48,50,51

KABAYO (HORSE)

Wala kang maitutulak kabigin sa mga kasamahan mo sa trabaho ngayon. Pare-pareho lamang ang kanilang opinyon tungkol sa isang mahalagang bagay na may kinalaman sa inyong trabaho. Pero hindi ka makukuntento rito.

Masuwerteng numero; 6,11,13,20

TUPA (SHEEP)

Isang tao ang labis na magpapasaya sa’yo sa araw na ito. Kaya naman ang hindi magandang mood mo sa umaga ay mawawala ng parang bula dahil ito ay mapapalitan ng saya. Lilipas ang maghapon na ikaw ay nakangiti.

Masuwerteng numero; 53,56,59,60

UNGGOY (MONKEY)

Isa na namang bagong paghamon sa trabaho ang iyong kakaharapin. Kahit pa marami ka ng inaasikaso ay sisiguruhin mo na maibibigay mo pa rin ang best mo para rito. Lahat ay iyong tatanggapin at yayakapin ng buong puso.

Masuwerteng numero; 17,21,32,37

TANDANG (ROOSTER)

Mahihirapan kang tanggapin ang katotohanan na hindi na tulad ng dati ang inyong samahan sa grupo. May mga tao na magbibigay ng conflict dito. Sa ayaw mo man at sa gusto, ang inyong samahan ay malaki ang magiging lamat ngayon.

Masuwerteng numero; 55,61,69,70

ASO (DOG)

Walang magandang patutunguhan ang  pagtatampuhan nyo ngayon ng iyong karelasyon dahil lamang sa maliit na bagay. Ngayon pa lang ay dapat mo na itong gawan ng paraan na maresolba bago pa mahuli ang lahat.

Masuwerteng numero; 35,42,45,56

BABOY (PIG)

Kahit na anong iwas mo ay susundan ka pa rin niya. Totoong mahal ka niya kaya gagawin niya ang lahat para mabura ang lahat ng pagdududa sa iyong isip. Kahit pa magmukhang tanga siya at magmistulang stalker mo.

Masuwerteng numero; 14,15,25,34

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here