Minatamis na Manok

Mga Sangkap

1.1Kilo ng manok.

2.1 maliit na tasa ng honey

3.1 kutsara ng dinikdik na bawang

4.1 sibuyas

5.kalahating kutsara ng asukal

6.1 tasa ng pininong karots

7.2 kutasarang mantika

8. kalahating tasa ng Toyo

Paraan ng Pagluluto;

1.Ilaga ang manok sa loob ng 2 minuto, hanggang sa ito ay lumambot.

2.Kapag malambot na ang manok ay hiwain ito ng bite size.

3.Magpainit ng kawali. Ilagay dito ang mantika kapag mainit na.

4.Kapag mainit na ang mantika ay igisa ang bawang at isunod ang sibuyas.

5.Kapag naigisa na ang bawang at sibuyas ay ilagay ang pinong karots.

6.Ilagay ang kalahating kutsara ng asukal at halu-haluin.

7.Isama ang manok sa gisa at hayaan ito hanggang sa maluto na ang manok.

8.Ibuhos ang  kalahating tasa ng toyo sa manok at haluin ito. Lagyan ng konting tubig.

9.Kapag medyo kumati na ang toyo at nasipsip na ito ng manok ay saka ilagay ang 1 tasa ng honey.

Isang minuto na lang ang hihintayin matapos mong mailagay ang honey ay pwede mo nang hanguin ang iyong minatamis na manok at ihain. Lagyan ng disenyo kung gusto mo itong maging kaakit-akit at katakam-takam . Maaaring gumamit ng lettuce bilang pangdisenyo sa ibabaw. Ang amount ng mga sangkap ay maaari mong baguhin ayon sa iyong panlasa. Maaari mo rin siyang lagyan ng sili kung bet mo ang may anghang. Ang minatamis na manok ay maaari mo pang lakuhan ng iba pangs angkap gaya ng patatas, pinya, kamote o ano pa man ang naisin mo na maging on the side nito. Yung sangkap na hindi naman kokontra sa lasa nito. Subalit tulad ng nasa ating recipe, maski wala itong masyadong lahok ay makukuha mo rin ang matamis na lasa nito. Mangingibabaw dito ang honey. Kung katamtamang tamis lang ang nais mo ay kahit hindi mo na ito lagyan pa ng asukal. Dahil ang honey ay makukuhanan na ng mga health benefits gaya ng antioxidants na tumutulong para mapababa ang blood pressure. Nakakatulong din ito sa pag-improve ng cholesterol. Nagtataglay din ito ng mga nutrients na kailangan ng ating katawan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here