Hindi Lang Lalaki Ang Mahilig Manood Ng Porn

Kapag sinabing porn, kadalasan, back off agad diyan ang mga kababaihan. Lalo na yung mga babaeng prim and proper. Para sa kanila ang mga porn ay isang kasalaulaan. Isang paraan ng pambabastos sa mga kababaihan lalo na sa mga kabataan na nagiging bahagi nito. Hindi ito nagiging katanggap tanggap para sa kanila. Ito ay kawalan ng respeto na ang tanging pinaiiral ay kamunduhan. Pero hindi lahat ng mga babae ay sumasang-ayon sa ganitong isipin. Ang iba sa kanila ay nanonood din nito. Pero sa ano nga bang dahilan?

Halimbawa ay ang mga babaeng may asawa. Dumarating sila sa punto na nawawalan na sila ng gana sa pakikipagtalik. Yung tipong napipilitan na lang silang gawin ito dahil sa pagmamahal nila sa kanilang asawa. Alang-alang sa kanilang pagsasama. Lalo na upang hindi maghanap ng iba ang kanilang mahal. Nagiging instrumento nila ang panonood ng mga porn na palabas upang maibalik ang kanilang sigla sa pakikipagtalik. Ito ang nakikita nilang paraan upang maging aktibo sa pakikipagsex at maisalba ang kanilang relasyon. Dahil sa aminin man natin o hindi, ang sex ay may malaking bahaging ginagampanan sa isang pagsasama.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here