Chinese Horoscope; Pebrero 27

DAGA (RAT)

Mag-ingat sa mga kinakain. Maaari kang makakain ng mga hindi mabuti sa iyong kalusugan. Malaki ang posibilidad na sumama ang iyong pakiramdam dahil dito kaya piliin lamang ang ipapasok sa iyong katawan.

Masuwerteng numero; 7,8,18,19

BAKA (OX)

Hindi ka mag-iisa sa problemang kakaharapin mo ngayon. Kahit gaano pa ito kabigat ay magiging magaan para sa’yo dahil may isang tao na sasalo sa’yo at siyang magiging katuwang mo sa pagresolba nito.

Masuwerteng numero; 24,26,33,41

KUNEHO (RABBIT)

Ilang pagbabago ang magaganap sa inyong pagsasama. Kahit na anong gawin mo ay hindi mo mapipigilan ang pagbabagong ito. Isipin mo na lang na ang bawat pangyayari sa buhay mo ay may dahilan.

Masuwerteng numero; 11,13,14,25

TIGRE (TIGER)

Makakaranas ka ng kabiguan ngayon sa pag-ibig. Pero hindi ito nangangahulugan ng katapusan ng mundo. Pansamantala lamang ito kaya hindi mo dapat masyadong dibdibin. Huwag mong pigilan ang sarili na iiyak ang lahat.

Masuwerteng numero; 45,56,58,63

DRAGON (DRAGON)

May komprontasyon na magaganap sa pagitan nyo ng isang kamag-anak. Hindi mo ito dapat balewalain dahil malaki ang posibilidad na maging mitsa ito ng mas malalim at malawak pang alitan sa pagitan ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 6,12,18,19

AHAS (SNAKE)

Magiging magaan lang at maaliwalas ang araw na ito para sa’yo dahil nasa piling ka ng iyong pamilya. Sila ang tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa’yo kaya ang makasama sila ang siyang lagi mo dapat na iprayoridad.

Masuwerteng numero; 6,25,30,39

KABAYO (HORSE)

May kakatok na bagong oportunidad para sa’yo ngayong araw.Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung tatanggapin ito o hindi dahil makakaapekto ito sa’yong kasalukuyang trabaho.Kailangan mong timbangin kung mas higit itong makakabuti.

Masuwerteng numero; 4,5,7,10

TUPA (SHEEP)

Isang pangyayari ang susubok ngayon sa tatag ng pagsasama nyo ng iyong kapareha sa buhay. Mapupunta ka sa pagitan ng pagsuko at paglaban. Mabigat ang sitwasyon na pagdaraanan kaya mahihirapan kang magdesisyon.

Masuwerteng numero; 35,39,40,50

UNGGOY (MONKEY)

Walang makakapigil sa patuloy mong pag-angat. Kahit may mangilan ngilan na magsisilbing hadlang sa katuparan ng iyong pangarap ay mananatiling nasa panig mo ang suwerte. Ipagpatuloy mo lang ang iyong mga panalangin.

Masuwerteng numero; 12,23,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Isang mahalagang bagay ang mawawala sa’yo ngayong araw dahil sa iyong kapabayaan. Ang atensyon mo ay mas malamang sa social media kaysa sa iyong ginagawa kaya naman hindi mo mamamalayan ang pagkawala nito.

Masuwerteng numero; 16,18,32,36

ASO (DOG)

Isang bisita ang darating ngayon na magpapaganda ng mood mo. Bitbit niya ang magandang balita na matagal mo ng hinihintay. Gayunpaman, hindi pa ito 100% sure pero at least ay may malaking chance na kaysa dati.

Masuwerteng numero; 22,33,35,41

BABOY (PIG)

Pasasalamatan mo ang isang kaibigan sa isang malaking pabor na ibibigay niya sa’yo. Huwag mo itong sayangin dahil minsan lang ito mangyayari. Gawin mo ang lahat para maging karapat dapat ka sa pabor na ito.

Masuwerteng numero; 47,58,59,67

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here