7 Ways Para Pa-Ibigin Ulit Siya

Hindi madali kapag nagkasala ka sa isang tao. Marami kang dapat gawin para makabawi ka sa kanya at mapagbayaran mo ang mga nagawa mo sa kanya. Read on.

Madalas, kapag may nagawa ka pa sa isang tao, oras ang kalaban mo dahil hindi mo alam kung gaano katagal bago ka niya mapapatawad. Kailangan mahaba ang pasensya mo at kailangan ay matanggap mo talaga na nagkasala ka. Kung gusto mong mapa-ibig ulit ang taong nasaktan mo noon, basahin lamang ang article na ito para makakuha ka ng tips.

1. Aminin mo sa sarili mo na nagkasala ka

Kailangang matanggap mo na may nagawa kang nakakasakit at dapat ay mapatawad mo rin ang sarili mo. Hindi madali magpatawad ng ibang tao, pero mas mahirap magpatawad ng sarili. Kailangang ibigay mo sa sarili mo ang pagpapatawad dahil dyan magsisimula ang paghihilom. Kailangang matanggap mo na may mga nagagawa kang hindi maganda sa kapwa mo dahil tao ka lamang, pero handa mo itong baguhin.

2. Humingi ka sa kanya ng sorry, yung TOTOONG SORRY

Kapag genuine ka sa paghingi ng sorry, mas sincere ang dating mo sa nasaktan mo, kailangan ay iparating mo sa kanya na ano pa man ang naramdaman mo noong sinasaktan mo siya noon ay nagsisisi ka na ngayon.

3. Iparamdam mo sa kanya na hindi mo na uulitin ang nagawa mo

Kailangan ay mabigyan mo siya ng assurance na hindi mo na kayang magawa ulit ang ginawa mo noon. Let him/her know na it’s not everyday that you are used to hurting people that you love.

4. Lagi mong iparamdam sa kanya na nagsisisi ka na talaga

Makikita yan sa pamamagitan ng actions at pananalita mo. Kung mayabang ka pa rin at hindi marunong magpatawad, ibig sabihin ay hindi ka totoong nagsisisi. Kailangan kung gusto mong mapatawad ka ng isang tao, maging mapagkumbaba ka rin sa kahit sino.

5. Bigyan mo siya ng rason para pabalikin ka ulit sa buhay niya

Huwag mong hayaan na magsisi siya sa pagpapatawad sayo. Ipakita mo sa kanya na bukal sa puso mong magbago at handa kang gawin lahat para mabalik ang tiwala niya sayo.

6. Ipaalam mo lamang lagi sa kanya na mahal na mahal mo siya

Malaking bagay sa isang taong nasaktan na mabigyan siya ng assurance na mahal mo siya. Yakapin mo siya ng pagmamahal at bigyan mo siya ng security once again. Dapat makita niya na sa kabila ng pinagdadaanan ninyo, ay nandyan ka pa rin para sa kanya.

7. Pray with him/her

Sobrang halaga na maipagdasal ninyo ang bawat isa. Dito, ipinapakita ninyo na ang pagpapatawad ay nanggagaling sa Diyos at sa kanya ninyo huhugutin ang lakas ninyo para mabigyan ng isa pang tyansa ang pagsasama ninyo. Gawin ninyo lamang siyang sentro ng relasyon ninyo para mas tumibay pa ang inyong pagkakaibigan at pag-iibigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here