Hanggang Kailan Puwedeng Saklawan ng Magulang Ang Kanilang Mga Anak?

Nitong February 20, 2020 ay napabalita ang pag-iisang dibdib ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at actor na si Matteo Guidicelli na naganap sa isang sikat na hotel sa Bonifacio Global City. Bago ito ay anim na taon naging magkasintahan ang dalawa. Kasabay ng okasyon na ito ay ang balitang nagpa-blotter ang isang close in bodyguard ng singer / actress dahil diumano ay sinapak siya ng actor. Napaulat din na hindi imbitado ang Ina ni Sarah sa kasalan. Nabangit umano ng bodyguard sa Ina ni Sarah na kilala sa showbiz na si Mommy Divine ang tungkol sa okasyon dahilan upang sumugod ito doon at napabalitang nais nito na makausap ang anak bago maikasal.

Ngunit hangang kailan ba talaga puwedeng panghimasukan ng magulang ang buhay ng kanilang mga anak? Sukdulan ba pati ang laman ng kanilang mga puso ay kanilang saklawan. Kailangang tanggapin ng mga magulang na darating ang panahon na magkakaroon ng sariling buhay ang kanilang mga anak. Ang utang na loob ay hindi dapat binabayaran sa paraang gusto nila. Ito ay dapat na kusang ibalik ng mga anak ayon sa kanilang kakayahan. Ang pagpapalaki ng mga anak ay hindi mandato ng batas. Ang tulong galing pamilya ay bukal na ibinibigay. Ang pagmamahal ng magulang sa kanilang anak ay unconditional. Kung dumating man ang panahon na magdedesisyon na ang kanilang anak para sa kanilang sariling kaligayahan ay huwag nilang saklawan ang mga buhay ng mga ito lalo pa at kung makakabuti sa buhay nila ang mga ito. Ang pagmamahal ay walang hangganan. Ang relasyon ng magulang sa anak ay infinite. Ito ay walang katapusan. Ngunit ang panghihimasok at pagsaklaw sa buhay ng mga anak ay may mga limitasyon at hangganan.

Ang mga magulang ay dapat lang na maging masaya kung nakikita nilang masaya ang kanilang anak at nasa mabuting kamay ito. Eventually, ang kasiyahan ng anak ay maibabahagi niya sa kanyang mga magulang sa sarili nitong pamamaraan. Ang pinakamahalaga ay hindi mawawala ang pagmamahal at respeto nila sa isa’t-isa bilang isang pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here