HALAMANG GAMOT – BALETE TREE.

“ Have no  fear , be not afraid Balete Tree may help you medicinally.”

ANG BALETE TREE.

    Ang kinatatakutan sa lahat ng halaman at puno ay walang iba kundi ang Belete Tree.

Makita mo pa lang ang Balete Tree tumatayo na ang mga balahibo mo sa takot. Maglalaro agad sa isip mo ang  mga aswang,tikbalang, tiyanak , multo at iba pang mga nilalang sa mundo ng katatakutan.  

     Marami na ang  nakaranas na sila ay nakita ng mga engkanto sa Balete Tree. Marami rin ang nagsasabing ang Balete Tree ay bahay ng mga maligno. At  sinasabi rin ang  punong ito ay punong -puno ng kababalaghan at misteryo.

      Magkaganunman, sinasabi rin ang takot ay nasa isip lang , kumbaga, wala namang talagang dapat na katakutan dahil ang mga nakakatakot na nilalang ay mga likhang -isip lang naman.

   Kaya sa Balete Tree, pwedeng masabi na ““The only thing we have to fear is fear itself.” Kasi nga tinatakot lang naman natin ang ating sarili kapag ang paguusapan ay ang Balete Tree.

    Kaya ang pagtunanan natin ng pansin sa ngayon ay ang magagandang bagay na makukuha natin sa Balete Tree.

     Sa pagsusuri sa Balete Tree ay nagresulta  sa ang Balete Tree ay isang mabisang gamot sa sakit sa balat.

    Ang bark ng Balete Tree ay titilarin o  i-chopped ,isang baso ng bark na ihahalo sa kalahating  galon na tubig sa loob ng  10 minuto ay magagamit na panghugas sa sakit sa balat.

     Sa ganito ring paraan ang mga ugat na nakahang or ugat na nakalawit ay  ginagamit din sa paglalanggas ng mga sugat para madaling gumaling ang mga sugat , cuts sa balat at mga sores sa balat.

     Ang  dakta naman ay panlaban sa intestinal worms or bulate sa tiyan.

    Nakakagulat dahil ang kinatatakutang Balete Tree ay isa ring palang mabisang gamot sa iba’t-ibang sakit sa balat at sa iba pang karamdaman na nagpapahirap sa tao.

    Kaya sa muling makakakita ka ng Balete Tree, ang ilagay mo sa isip mo ay nilikha ng Dakilang Manlilikha ang Balete Tree para makatulong sa mga tao.

   Huwag mo rin kakalimutan na ilagay sa isip mo  ang nasabi na sa unahan na ““The only thing we have to fear is fear itself.”

     Good Luck!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here