Virginity, May Halaga Pa Ba?

Kung yung unang panahon ang pag-uusapan, no question, kasing halaga ng pagkatao ng isang babae ang kanyang virginity. Mahawakan pa nga lang ng lalaki ang daliri ng isang babae ay ipinagkakasundo na agad para sa kasal. Yung tipong matitigan lang ng lalaki ang babae ay nakakabastos na.

Ganoon kahalaga ang virginity sa mga kababaihan noon. Kailangan na nasa ilalim ng matrimonya ng kasal bago magkaroon ng pagtatalik sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Kapag ito ay nangyari nang hindi kasal ang dalawa, isa na itong napakalaking kahihiyan sa pamilya.

Subalit sa paglipas ng panahon ay tila unti-unti ng nawala ang tunay na halaga nito. May mga babae na hindi pa man gaanong kilala ang lalaki ay ibinibigay na agad ang hindi pa dapat ibigay. Itinataya ang kanilang bandera sa isang relasyon na walang kasiguruhan. At ang katuwiran ay hindi nakasalalay sa kasal at pagkabirhen ang tatag ng pagsasama ng dalawang tao.

Kung paano nila ito nasabi ay marahil base mismo sa sarili nilang karanasan o karanasan ng kanilang mahal sa buhay, kaibigan at kakilala. Kung minsan naman ay naeengganyo silang isuko agad ang kanilang bataan bilang bahagi ng kanilang pag-eeksperimento.

Sa kabila ng mga kapasukang ito na nangyayari dahil sa iba’t-ibang kadahilanan, meron pa rin namang mga kababaihan na may mataas na pagpapahalaga sa kanilang virginity. Mas pinipili pa rin nila na ilaan ito sa tao na maghaharap sa kanila sa dambana at kung papalarin ay siya ring makakasama nila sa habambuhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here