Pusong malusog, pagkaing nararapat!

Alam natin kung ano ang pinakamalulusog na pagkaing kailangan ng ating puso, subalit upang mapanatili natin itong malusog, hindi natin palagiang kinakain ang mga pagkaing ito, kailangang iba’t iba ang ating kinakain.

Subalit hindi pa rin mapasusubalian na may mga pagkaing sadyang nangunguna para sa ating puso. Narito at basahin ninyo:

The omega-3 fatty acids –  Salmon, tuna, catfish, sardines, walnuts, almonds, chia seeds – ang mga fatty acids na natatagpuan sa isda o mga halamang kinakain ng isda, tulad ng algae, ay ang tagakumpuni ng ating arterial system, dahil kaya nilang magkumpuni ng maraming bagay sa ating katawan. Binabawasan nila ang antas ng triglyceride sa ating dugo (ang mataas na triglycerides ay ang dahilan ng pagbuo ng plaque), at tumutulong silang mabawasan ang panganib ng arrhythmia pagkatapos ng atake sa puso. Dagdag pa rito, pinabababa nila ang blood pressure at binabawasan ang pagiging madikit ng platelets upang mabawasang ang clotting. Kumain ng tatlong bahagi ng isda kada Linggo.

Ang pagkonsumo ng dalawa o higit pang servings kada Linggo ay iniuugnay sa 30 porsiyento ng pagbaba ng panganib ng pagkakaroon nang matagalang coronary heart disease, ayon sa pag-aaral. Partikular na ang mga klase ng isda na “oily” tulad ng salmon at tuna—ay nagtataglay ng omega-3 fats, na nagpapababa sa antas ng triglycerides sa dugo na nagdudulot ng blood clotting. Ang Omega-3s ay nagpapababa  din ng blood pressure at hinahadlangan nito ang irregular heart rhythms. Walang karaniwang isda na nakapagbibigay ng mas maraming omega-3 fatty acids kaysa sa salmon. Ang flaxseed oil, canola oil, walnuts at almonds ay nagtataglay din ng omega-3 fats.

Chia Seeds – Isang kutsarita ng plant-based omega-3 powerhouse ay may taglay na 60 calories at tumutulong na mapababa ang bad cholesterol at plaque buildup. Ihalo sila sa yogurt, soup, or sprinkle on a salad.

Antioxidant – blueberries, coffee, red wine, green tea.

Ayon sa mga pag-aaral, sinasabing ang kape ay may mataas  na taglay ng antioxidants at nagpapababa ito sa panganib ng type 2 diabetes. Ang tatlong tasa nito kada araw ay nagpapataas din ng antas ng karunungan at tumutulong na bawasan ang panganib ng Alzheimer’s disease.

Tungkol naman sa kahalagahan ng resveratrol, isang compound na may antioxidant properties, na nakatutulong din na mahadlangan ang cancer, ayon sa ilang pag-aaral . Ang Resveratrol ay matatagpuan sa dark-skinned berries at grapes.

Fruits and Vegetables – Bananas, berries, apples, grapefruit, pomegranate, cantaloupe, avocado, tomato, broccoli, cauliflower, brussel sprout, yum, carrot.

Ang pagkain ng isang tasang mixed berries kada araw sa loob ng walong Linggo ay iniuugnay sa pagpapataas ng antas ng magandang HDL cholesterol at pagpapababa ng blood pressure, dalawang positibong pangyayari pagdating sa usapin ng kalusugan ng puso,ayon sa pag-aaral ng 72 middle-age people na inilathala kamakailan sa American Journal of Clinical Nutrition. Kasama sa inihalo ay ang mga strawberries, red raspberries, bilberries, blueberries.

Ang Avocado ay puno ng monounsaturated fats, kilala rin na “good fats” na tumutulong na mapababa ang blood cholesterol at blood clots. Subalit mataas din sila sa calories kaya hinay-hinay lang. Tulad ng mga oranges, grapefruit ang mga ito ay nagtataglay ng maraming vitamin C na ayon sa pag-aaral, ay makatutulong na magbigay protekta laban sa stroke at makatutulong na pababain ang cholesterol. Ang mga prutas at gulay na mayaman sa   Vitamin C ay mapagkukunan ng pectin, ang citrus fruit na ito ay puno ng flavaonoid na nagpapababa ng blood pressure at nagpapababa din ng pamamaga ng artery. Ang citrus ay may taglay din na hesperidin, isang plant chemical na nagpapabuti ng pagdaloy ng duto sa puso, at vitamin C, malakas na panlaban sa stroke.

Oils – olive, flaxseed, canola and avocado oils.

Siguraduhing ito ay extra virgin. Ang mas pusong olive oil ay may taglay na mataas na antas ng “good fat” at antioxidants upang makatulong sa pag-alis ng bara ng arteries at mas malusog para sa iyong puso kaysa vegetable oil at ang ginagawa nitong cholesterol na tinatawag na “bad” fats. Nakukuha mula sa prutas, ang avocado oil ay sinasabing mas mabuti sa kalusugan ng puso bilang cooking oil dahil sa abilidad nitong mabago ang mga fatty acids sa mga tissues na nasapalibot ng puso.

Wine – Ayon sa mga siyentipikong kasulatan, ang mga taong umiinom nang tama lang ay mas mahina ang pagkakataon na magkaroon ng sakit sa puso kaysa doon sa mga hindi umiinom. Ang pag-inom nang tama lang ay maaaring makapagbigay ng proteksyon sa puso sa pagpapataas ng “good” HDL cholesterol, nagpapababa sa pamamaga at “thinning the blood” (hinahadlangan ang clots na maaaring sanhi ng atake sa puso o stroke.) Ang katamtamang pag-inom ay nagdaragdag din ng estrogen, na nagbibigay proteksyon sa psuo – isang benepisyo na pagtikular na nakatutulong sa mga postmenopausal women na ang pagbaba ng kanilang antas ng estrogen ay nakadaragdag sa panganib ng sakit sa puso. Tandaan na ang 1 pag-inom ay katumbas ng 12 ounces of beer, 5 ounces of wine o 1.5 ounces of liquor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here