Pineapple Water Sa Umaga, Mabisa Ba?

Sa dami ng paraan ngayon para makapagdiet at maging healthy, hindi mo na alam kung ano ang pipiliin mong gawin at isama sa iyong daily routine. Maraming madaling paraan at mga pagkain na makakatulong sa’yo. Isa na rito ang pineapple water. Pero gaano nga ba ito kabisa? Himay-himayin natin kung paano makakatulong sa ating kalusugan ang pineapple water gayundin ang health risk nito.

Benepisyo ng pineapple water

Ang pineapple ay isang tropical fruit na mayaman sa bitamina, enzymes at antioxidants na malaki ang itinutulong sa ating immune system. Mayaman din ito particular sa bitamina C at manganese. Nakakapagpatibay din ito ng ating mga buto at tumutulong sa ating panunaw. Gaano man katamis ang pinya na iyong makain ito ay may mababa lamang na calories.

Ang vitamin C na taglay ng pineapple ang siyang water-soluble antioxidant na lumalaban sa pagkasira ng mga cells. Malaking tulong ito para sa mga taong may sakit sa puso at nakararanas ng joint pain. Bukod dito ay mahusay din ang pineapple water laban sa sakit na osteoporosis. Nakakatulong din ang pineapple na mabawasan ang panganib na dulot ng macular degeneration. Dahil naman sa dietary fiber na taglay nito kaya’t nakakatulong din ito para maging regular ang iyong pagdumi at nalilinis din nito ang ating mga bituka.

Panganib sa kalusugan na dulot ng pineapple water

Dahil sa sobrang taas na taglay nitong vitamin C, kapag ikaw ay kumonsumo nito ng sobra sobra ay may posibilidad na malagay din sa panganib ang iyong kalusugan. Maaari kang magtae, magsuka o makaranas ng pananakit ng tiyan. Ang bromelain naman na taglay ng pineapple na tumutulong din sa digestion at sa paggagamot sa osteoarthritis, gayundin sa pagbabawas ng mucus sa ilong at lalamunan ay maaari ring makapagdulot ng skin rashes, pagtatae, pagsusuka at menstrual bleeding kapag sumobra rin ang konsumo rito.

Isang baso lamang sa umaga o mga dalawang piraso ng pinya ay sapat na upang makonsumo ang mga benepisyong taglay nito.Kung sosobra pa rito ay maaaring ang makonsumo mo ay ang panganib na pwede nitong idulot sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here