Dear kaibigan ng kabataan

Ang aking katorse anyos na anak ay mayroong nobyo. Noong nakaraang araw umuwi s’yang may chikinini galing sa ibang lalaki. Hindi kami nag reak ng sobra, ngunit tinanong namin kung tinapos na ba nila ang kanilang relasyon . Ang sabi niya ay hindi, ngunit mukha s’yang problemado. Kaya’t tinanong ko kung kamusta na sila ng kaniyang nobyo. Nagbungtong hininga lang siya . Napaisip ako kung kinausap niya ba ang kanyang nobyo tungkol sa kanyang nararamdaman o kaya naman ay lalayo nalang at magsisimula ng panibagong relasyon sa ibang lalaki. Noong ipinayo ko sa kaniya na kausapin nalang ito at sabihin ang kaniyang nararamdaman naging madipensa na ito. Hindi ko nais na maging mahigpit sa kaniya o nais na maramdaman niya na siya ay masamang tao kung may bago na siyang gusto. Pero kung ang kaniyang nobyo ay nagsimulang makipag relasyon sa ibang babae ngunit kahit sila pa, sigurado akong masasaktan siya. Gusto ko malaman niya ang pakiramdam ng kaniyang nobyo. Hindi ko alam kung makikialam ba ako kaagad.

Ano ba ang dapat kong gawin sa sitwasyong ito ng hindi ako magmumukhang mapanghusga o na para bang inuutusan ko siya kung anong gagawin?

Sagot:

Maganda na nais mong mapabuti ang relasyon nyo ng iyong anak. Ang usapang problemang relasyon ng mga kabataan ngayon.
Ngayon idagdag mo ang isang kabataang babae at isang ina at ang usapan ay magiging komplikado. Nais kong sabihin na gusto ko ang paraan ng paglapit mo sa iyong anak. Binigyan mo sya ng pagkakataon upang ibigay o ipahayag ang kaniyang nararamdaman at sa aking opinyon hindi ka naman nagmukang mapanghusga. Maaaring naging depensibo ang iyong anak ngunit hindi ito pangit na reaksyon ng iyong anak.

Ako din ay sumasangayon sa iyo na dapat ay maging sensitibo ang iyong anak, na dapat nya ring isipin ang nararamdaman ng iba bukod sa kaniyang nararamdaman. Pero pagkatandaan na bago palamang ang iyong anak sa mga ganitong relasyon. Baka ay inihahanda nya pa o iniaayos ang kanyang nararamdaman para sa kanyang nobyo at hindi pa ito handang kausapin siya.

Sinusuportahan kita sa iyong pag gabay sa iyong anak pagdating sa kaniyang relasyon ngayong siya ay tumutuklas na ng mga relasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here