Chinese Horoscope; Pebrero 26

DAGA (RAT)

May magagawa ka para isalba sa kahihiyan ang isang kapamilya na hindi nag-iisip at padalos dalos lang sa kanyang pagdedesisyon. Pero magkakaroon ka ng pagdadalawang isip dahil ang gusto mo ay maturuan siya ng leksyon.

Masuwerteng numero; 3,4,15,17

BAKA (OX)

Hindi maggiging maganda ang usapan nyo ng isang kaibigan tungkol sa isang mahalagang usapin. May magkaiba kayong paniniwala kaya naman hindi magtatagpo ang inyong opinyon. Mas pipiliin mo na magwalk out.

Masuwerteng numero; 7,17,20,22

TIGRE (TIGER)

Maganda ang araw na ito para sa’yo dahil isang malaking deal ang maisasara mo. Gayunpaman, hindi pa ito 100% na sigurado kaya kakailanganin mo pang bantayan ang inyong usapan lalo na sa mga taong mahilig mang-agaw.

Masuwerteng numero; 35,38,42,44

KUNEHO (RABBIT)

Kahit na anong gawin mo ay hindi mo mauunawaan ang points of view ng iyong kapareha. Ito ay dahil hindi mo siya binibigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ito sa’yo, sa halip ay mas pinapakinggan mo ang ibang tao.

Masuwerteng numero; 51,56,57,60

DRAGON (DRAGON)

Isang malaking pangyayari ang magiging dahilan ng pagbabago  ng iyong buhay. Mula rito ay hindi ka na makakabalik sa dati mo ng nakasanayan. Sa ayaw mo at sa gusto ay haharapin mo ang lahat ng magiging epekto nito.

Masuwerteng numero; 6,26,29,30

AHAS (SNAKE)

Sa araw na ito ay mapipikon ka na sa isang kasamahan sa trabaho. Ang labis niyang panunukso sa’yo na wala na sa lugar ay ikaiirita mo. Kahit pa para sa kanya ay biro lang ang lahat, hindi magiging maganda ang dating nito sa’yo.

Masuwerteng numero; 23,24,35,40

KABAYO (HORSE)

Hindi magiging sukatan kailanman para sa’yo ang panlabas na kaanyuan ng isang tao sa tunay niyang personalidad. Kaya naman kahit pa laitin ng iba ang bago mong kaibigan ay mananatili kang kaibigan sa kanya.

Masuwerteng numero; 11,13,24,28

TUPA (SHEEP)

Ang biyaya na matagal mo ng inaasahang dumating ay darating na rin ngayon sa wakas. Subalit hindi ito kasing laki ng inaasahan mo at malayo rin na matupad ang iyong mga nauna ng plano kaugnay nito. Gayunpaman, dapat mo pa rin itong ipagpasalamat.

Masuwerteng numero; 9,10,15,28

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mababalewala ang mga pinaghirapan mo nitong mga nakaraang buwan dahil aanihin mo ang magandang bunga nito ngayong araw.Huwag kalimutan na magbahagi ng mga biyaya na iyong matatanggap.

Masuwerteng numero; 45,54,56,59

TANDANG (ROOSTER)

Isang magandang balita ang matatanggap mula sa isang kamag-anak na nasa malayo. Ito ang magpapasaya ng araw mo. Kaya naman sa buong maghapon ay magiging magaan lang ang lahat ng gawain para sa’yo.

Masuwerteng numero; 6,7,9,10

ASO (DOG)

Ikaw ang mabibigyan ng pagkakataon para pagdesisyunan ang isang mahalagang bagay sa trabaho. Dapat mo itong pag-isipang mabuti bago magbitaw ng kahit anong pagpapasya dahil nakasalalay dito ang iyong reputasyon.

Masuwerteng numero; 33,34,37,39

BABOY (PIG)

Kahit na anong sabihin ng iba ay hindi mababawasan ang pagmamahal mo sa iyong kapareha. Buo ang tiwala mo sa kanya at kahit na anong mangyari ay nasa kanya pa rin ang iyong simpatya. Kahit mangahulugan pa ito ng pagtalikod mo sa mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 13,20,27,29

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here