Chinese Horoscope (Pebrero 25)

DAGA (RAT)

Ang kakulangan mo ng tiwala sa sarili ang maglalagay sa’yo sa alanganing sitwasyon. Dapat mong pag-aralan kung paano magkakaroon ng sapat na kumpiyansa sa sarili. Mahalaga na matutunan mo ito para sa iyong ikakabuti.

Masuwerteng numero; 12,23,25,30

BAKA (OX)

Hindi magandang impresyon ang iiwan sa’yo ng isang bagong kakilala. Dahil dito ay mawawalan ka ng interes na magkaroon pa ng komunikasyon o kahit na anong kaugnayan sa kanya. Mas magiging maingat ka na ngayon.

Masuwerteng numero; 17,22,31,34

TIGRE (TIGER)

Kahit punumpuno ka na sa isang kamag-anak ay magagawa mo pa ring kontrolin ang iyong galit. Mas mangingibabaw pa rin sa’yo ang tamang pag-iisip kahit na pakiramdam mo ay masyado ka ng nadedehado.

Masuwerteng numero; 7,18,19,20

KUNEHO (RABBIT)

Alam ng Diyos kung paano niya ibabalik ang biyaya na inilaan niya sa’yo subalit pilit inagaw ng iba. May sariling paraan ang Diyos kaya naman maghintay ka lang at hayaan siyang kumilos. Hindi ka maaagrabyado.

Masuwerteng numero; 10,20,32,35

DRAGON (DRAGON)

Ikaw na mismo ang magpapakumbaba sa isang tao na nakasamaan mo ng loob. Hindi dahil sa inaamin mong ikaw ang nagkamali kundi dahil sa gusto mo ng kapayapaan at kapanatagan ng isip na hindi mo makuha hangga’t may samaan kayo ng loob.

Masuwerteng numero; 45,48,55,56

AHAS (SNAKE)

Magiging masaya at komportable ang araw na ito sa piling ng iyong mahal sa buhay. Marami kayong bagay na mapagkukuwentuhan na hindi nyo dating pinag-uusapan. Mas magiging open na kayo ngayon sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 51,52,60,63

KABAYO (HORSE)

Hindi mo man sinasadya ay masasaktan mo pa rin ang iyong mahal dahil sa isang hindi magandang salita na iyong mabibitawan. Kahit pa na wala kang intensyon na saktan siya ay mangyayari pa rin. Wala kang magagawa kundi humingi ng pasensya at pag-unawa.

Masuwerteng numero; 6,11,13,14

TUPA (SHEEP)

Sapat na ang iyong presensya para mapasaya mo ang isang tao na malapit sa puso mo. Kaya naman kahit makaramdam ka ng katamaran na lumabas ngayong araw ay pipilitin mo pa rin na mapuntahan siya.

Masuwerteng numero; 42,44,47,58

UNGGOY (MONKEY)

Isang mabilisang pagpapasya ang gagawin mo ngayon. Ito ay may kinalaman sa isang mahalagang imbitasyon na matatanggap. Kahit pakasalukuyan kang abala sa trabaho na dapat mong tapusin ay siiskapin mong madaluhan pa rin ang imbitasyon.

Masuwerteng numero; 25,26,30,39

TANDANG (ROOSTER)

Isang bagong pag-ibig ang kakatok. Normal lamang na magkaroon ka ng pagadadalawang isip tungkol dito. Una ay hindi mo pa siya gaanong kilala at pangalawa ay kakagaling mo lang sa isang masalimuot na relasyon.

Masuwerteng numero; 64,67,69,72

ASO (DOG)

Una pa rin palagi ang anak sa iyong prayoridad kaya wala kang pakialam kahit sumama pa ang loob sa’yo ng iyong bagong karelasyon. Mas importante sa’yo ang kalagayan ng iyong anak kaysa kaninong tao lalo na sa hindi nakakaunawa.

Masuwerteng numero; 12,13,23,24

BABOY (PIG)

Mabibigyan ka ng isang magandang pagkakataon ngayon na makapiling sa buong maghapon ang iyong pamilya na bihira mong makasama. Kaya naman ang araw na ito ay magiging makulay at masaya para sa inyo.

Masuwerteng numero; 16,28,33,36

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here