5 Rason Kung Bakit Nag-Uungkat ng Nakaraan ang Asawa Mo

Basahin ang article na ito para malaman mo ang mga rason kung bakit nag-uungkat ng kasalanan ang iyong asawa. Huwag ka ma-stress, dahil mas maganda kung haharapin mo ito nang kalmado ka.

1. May pinagdadaanan ang iyong asawa

Maaaring may problema ang asawa mo sa kanyang trabaho, o kaya sa buhay niya in general. Kailangan ay mapag-usapan ninyo ito para hindi na lumaki ang mga problema ninyong mag-asawa. Kung nakakaranas ng depression o anxiety ang asawa mo, mas lalong dapat mo siyang kausapin dahil mahirap ang ganitong sitwasyon. Bigyan mo siya ng rason para magtiwala sayo.

2. Marami pang hangups ang asawa mo dahil hindi mo siya nabigyan ng closure

Baka hindi ninyo pa talaga napapatawad ang isa’t isa at hindi pa nasarado ang chapter na ito ng buhay ninyo. Pag-usapan ninyo na agad ito i-settle ninyo na once and for all ang mga problema ninyong mag-asawa. Kahit mag-away kayo ulit ok lang, as long as mapag-usapan ninyo lahat at mabigyan ninyo ng resolution ang problema ninyo.

3. Hindi ka niya mapagkatiwalaan

Kung hirap ang asawa mo na pagkatiwalaan ka, kailangan mo maibalik ito at dapat ay mag-effort ka talaga, dahil kapag hindi, mas mahihirapan kayong dalawa sa relasyon ninyo. Ibalik mo ang sweetness ninyong mag-asawa at pakiligin mo ulit siya. Iparamdam mo rin sa kanya na mahal na mahal mo siya at hindi mo kayang saktan siya katulad nang nagawa mo noon. Palitan mo ang bad memories niya with good ones.

4. Hindi naka-sentro ang relasyon ninyo sa Panginoon

Always pray together. Huwag kakalimutan gawing sentro ang Diyos sa buhay ninyo. Pasalamat ninyo ang Panginoon sa buhay na pinagkaloob niya sa inyo at dapat ay hindi kayo nabubuhay na puro pansarili ninyo lamang ang iniisip ninyo.

5. Binibigyan mo rin siya ng rason para mag-isip muli

Lambingin mo lagi ang asawa mo para hindi siya nakakaisip ng negative thoughts. Bigyan mo siya ng mga rason para ibigin ka ng walang pag-aalinlangan. Maging genuine ka sa kanya at huwag kang magsinungaling sa mga totoong nararamdaman mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here