Teresa Magbanua

Filipina #3

Si Teresa Ferraris Magbanua na mas kilala bilang Teresa Magbanua ay isinilang noong Oktubre 13,1868 sa Pototan Iloilo. Anak nina Juan Magbanua at Alejandra Ferraris. Siya ay tinaguriang “Visayan Joan Of Arc”. Isa siyang guro at military leader. Subalit siya ay nagretiro sa pagtuturo matapos ang kanyang kasal sa mayamang si Alejandro Balderas. Isa siya sa ilan lamang na mga Filipinang sumapi sa Panay-based Visayarn Arm of the Katipunan.

Siya ay naging bahagi ng mga pagkilos laban sa Espanya,(Philippine revolution) Amerika,(Philippine American War) at Japan (World War II). Maraming beses na nakipaglaban at nagwagi si Teresa kabilang na ang kanyang laban sa Barrio Yoting, sakay ng kanyang kabayo kung saan nagapi niya at ng kanyang grupo ang tropa ng mga Espanyol.Sa labang ito niya nakuha ang bansag na “Visayan Joan of Arc”.

Walang inuurungan. Taglay ang lakas at bilis ng isang kabayo sa pakikipaglaban. Iyan si Teresa Magbanua. Maipagmamalaking isang tunay na bayaning Filipina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here