Nagkasawaan

Bakit Nagkakasawaan ang dalawang taong nagmamahalan?
Minsan iniisip natin na siya na talaga ang gusto nating makasama habang buhay. Subalit hindi pa natin alam ang totoong ugali ng taong minamahal natin, hindi pa natin alam kung ano ba talaga siya, at kung ano ba talaga ang gusto niya sa pakikipagrelasyon niya sa iyo.
Kadalasan kapag bago pa lang kayong magkasintahan ay parang papel kayong pinagdikit na ayaw ng maghiwalay, sobrang sweet sa isat-isa at hindi mapigil ang sarili sa pagtext o tawagan kahit inuumaga na ganoon ang ginagawa, wala tayong pakialam dahil mahal natin ang isat-isa.
Subalit minsan dahil hindi pa nga natin alam o kilala ang taong ating minamahal, minsan pala may mga tao’ng sinasakyan lang pala ang pagmamahal ng isang tao, pinapaniwala niya na mahal niya ito, subalit hindi pala, may gusto lang pala siyang hingin dito.
Ang masaklap kapag nagmahal ka ng taong ganito lang ang habol sa iyo, kapag hindi nito nakuha Ang gusto nito mula sa iyo ay lage ka ng inaaway nito, hanggang sa magsawa ka sa kanya dahil sa pinapakita niya sa iyo.
Kahit sa mga simpleng bagay lang ay nagagalit na siya kaagad, katulad ng pagtatanong ng mga simpleng bagay o di kaya’y nagagalit siya kapag tinawagan mo siya, kapag ganoon ay makaramdam ka ng pagkasawa sa relasyon niyo na sinasadya naman niya dahil hindi niya nakuha ang gusto niya. Kaya mga girls mag-ingat lang sa mga boyfriends niyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here