Melchora Aquino

Filipina #2

Si Melchora Aquino de Ramos na mas kilala natin sa tawag na ‘Tandang Sora’ ay isinilang noong Enero 6,1812 sa Baryo Banlat, Balintawak Quezon City. Siya ay anak ng mag-asawang magsasaka na sina Juan at Valentina Aquino. Bagamat hindi nakatuntong ng paaralan si Tandang Sora ay may likas naman siyang talino at may talento bilang mang-aawit. Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos at nagkaroon ng anim na anak. Nang mamatay ang kanyang asawa, sinikap ni melchora na maitaguyod ang mga anak at mabigyan ng edukasyon.

Si Tandang Sora ay buong pusong naglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga katipunero na pinamumunuan noon ni Andres Bonifacio. Pinakain niya ang mga ito at inalagaan ang mga sugatan. Dahil dito kaya siya ay tinaguriang ‘Ina ng himagsikan’. Dahil din dito kaya siya ay nadakip at ipinatapon ng mga Espanyol sa Guam. Siya ay pinalaya ng mga Amerikano at nakabalik sa Pilipinas noong 1903.

May malambot na puso at matibay na paninindigan. Yan si Melchora Aquino o Tandang Sora. Mapagmahal na ina ng bayan at isang tunay na Filipina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here