Gabriela Silang

Filipina#1

Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang o mas kilala natin sa tawag na Gabriela ay isinilang noong ika-19 ng Marso,1731 sa Barangay Caniogan, Santa Ilocos Sur, Captaincy General of the Philippines. Siya ay pinalaki ng isang pari na siyang nag-ayos ng kanyang kasal sa isang mayamang businessman noong 1751. Matapos ang tatlong taon ay namatay ang kanyang asawa.Saka niya nakilala at pinakasalan ang asawa niyang kilala nating lahat at isang bayani rin na si Diego Silang.Ikinasal sila noong 1757.

Naging bahagi na si Gabriela ng ipinaglalaban ng kanyang asawa. Nang mamatay si Diego sa isang assassination, si Gabriela ay patuloy na nanindigan sa kanilang hangarin na mapalaya ang bayan. Hindi naging madali para sa grupo ni Gabriela ang pakikipaglaban sa mga Espanyol. Hanggang sa nahuli sila ng kanyang mga kasama noong Setyembre 20,1763. Siya at ang kanyang grupo ay hinatulan ng kamatayan sa Vigan’s Central Plaza.

Si Gabriela Silang ay maituturing na isang tunay na bayani ng ating lahi. May angking katapangan at katatagan ng loob. Ibinuwis ang buhay para sa bayan. Kaya naman isang pagsaludo sa isang tunay na Filipina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here