Fake Love

Kahit saang lugar tayo magpunta ay nakakakita tayo ng mga babaeng may mga edad na at iyong kasama nila ay mga batang lalaki, hindi natin maiwasang magtaka kung bakit sila magkasama, at minsan naitanong natin sa ating sarili na anak ba iyon noong babae iyong kasama niyang lalake?
Lalong-lalo na kapag may itsura iyong lalakeng kasama noong may edad na babae, siyempre magtataka din ang mga tao kung bakit sila magkasama. Ngunit nakikita ng mga tao Ang sweetness ng dalawa, at parang pinapakita pa ng lalake na mahal niya ito.
Ang mga babaeng nasa age 40 pataas ay nagbulag-bulagan na in terms sa pag-ibig, lalo na’t may pera siya, ibibigay niya lahat ng gusto ng kanyang minamahal.
Ang hindi niya alam ay hindi talaga siya mahal ng lalaking inaakala niyang Mahal siya. At ang totoo ay ang pera lang niya ang habol nito sa kanya at may girlfriend pala talaga Ito o di kaya’y may asawa na at piniperahan lang siya nito.
Minsan din kahit alam na ng babae na pera lang niya ang habol ng  isang lalaki sa kanya, subalit nagbulag-bulagan pa rin siya dahil mahal niya Ito, gagawin at ibibigay niya lahat ng gusto ng taong minamahal niya.
Kung pera niya ang habol nito ay ibibigay niya, manatili lang Ito sa tabi niya. Ngunit paano naman kaya kapag wala ka ng pera anong gagawin mo? Maiiwan ka lang sa ere, kaya kapag tayo’y  nagmahal buksan natin ang ating puso’t isipan hindi lang puso lang ang pairalin natin dahil tayo lang din ang kawawa sa bandang huli.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here