Kahit Pa Ang Partner Mo Ang May Sala

Kung talagang nais mong magkaayos kayo ng partner mo, bakit kailangang magpataasan kayo ng pride? Mas lalayo lang ang loob ninyo sa isa’t isa niyan. Kaya, kung mahal mo talaga ang partner mo, huwag ka na magpatumpik-tumpik pa, ayusin na ninyo ang inyong relasyon. Kung maaari ay tapusin ninyo ang isyu ninyo bago kayo matulog.

Kapag kasi dinala pa ninyo ang inis o galit ninyo sa isa’t isa hanggang sa kinabukasan o sa susunod pang mga araw, lalaki lang ng husto ang sama ng loob na nararamdaman ninyo sa isa’t iusa. May posibilidad pang pati ang mga isyu ninyo noon pa man ay maungkat at mamamalayan na lamang ninyo na hindi na pala kayo talaga magkakasundo.

Kaya, kung mahal ninyo ang isa’t isa at nais ninyo talagang magkaroon ng forever, mas maigi kung magsu-sorry ka na lang sa kanya matapos ninyong mag-away. Huwag mo na intindihin kung siya nga ba ang mali. Ang importante lang naman ay iyong magkaayos kayo at maging masaya ulit.

O, kaya mo ba itong gawin? Simple lang naman ito kung tutuusin. Isipin mo na lang na kung talagang mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para maging masaya siya. Mangyayari lang naman iyon kapag nakuha na ninyong magbati matapos ninyong magkaroon ng away o tampuhan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here