Bakit May Mga Estudyanteng Ayaw Pumasok?

Kahit noong bata ako, hindi ko rin gustong pumasok sa eskuwelahan. Nakaramdam kasi ako ng takot sa aking titser ng paluin niya ako sa kamay. Pakiramdam ko noon ay isa siyang monster na dapat iwasan. Kaya naman nang malaman ng Daddy ko ang nangyari, sumugod siya sa eskuwelahan para pagalitan ang aking titser.

Pero, sa paglipas ng panahon, marami ng dahilan ang lumalabas kaya lumalabas ang katanungang Bakit may mga estudyanteng ayaw pumasok? Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman ko ang iba’t ibang dahilan.

Una, nakakaranas ng pambu-bully. Kung may umaaway sa’yo sa eskuwelahan, talagang matatakot kang pumasok, kaya, importanteng malaman ng magulang at titser mo ang nangyayari para matulungan ka nila. Hindi rin maaaring lagi ka na lang mahina. Kailangan naman ay magkaroon ka rin ng lakas ng loob para ipagtanggol ang iyong sarili.

Pangalawa, walang tiwala sa sarili pati na rin sa kanyang kakayahan. Huwag mo kasing isipin na mahina ang iyong utak. Kailangan lamang naman at mag-aral kang mabuti at intindihin mo ang iyong leksyon.

Pangatlo, problema sa pamilya. Kahit pa sabihin na dapat ang mga magulang ang nag-aayos ng problema ng kanilang pamilya, apektado pa rin ang anak lalo na’t madalas niyang nakikita at naririnig na nag-aaway ang kanyang mga magulang.

Pang-apat, may suliranin sa pera. Kung hindi ka nabibigyan ng sapat na baon ng iyong magulang, talaga ngang tatamarin kang pumasok. Isipin mo pang nakakadagdag ka lang sa gastos ng iyong pamilya kaya naman ang sasabihin mo na lang ay walang gagawin sa eskuwelahan para hindi na gumastos pa ang iyong magulang.

Panlima, walang pangarap sa buhay. Kung hindi mo pa kasi alam ang gusto mong mangyari sa’yong buhay, talagang wala ka pang gana na mag-aral na mabuti. Kaya, importanteng habang bata ka pa lang ay alam mo na kung ano ba ang gusto mong mangyari sa’yong buhay. Kaya, mga magulang, importanteng magabayan ng husto ang ating mga anak para naman hindi sila mapariwara. Kailangan ay magkaroon ng direksyon ang kanilang buhay

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here