Men’s Face Care

Ang pag-aalaga ng kutis ng mga lalaki ay mabilis at madali lang, hindi na kailangan ang five- steps peels o multiple layers of cream, o bumili ng high quality products. Ang mga sumusunod na mens skin care routine ay kailangang gawin araw-araw, halimbawa sa iyong pagising at bago matulog mas madali itong sundin at magkaroon ka pa ng mas attractive looks. Cleanse Magbanlaw ng maaligamgam na tubig sa iyong mukha, at magshower upang magsibukas ang iyong pores upang mapalabas ang dumi mula dito. Mag-apply ng tamang dami ng men’s face wash sa iyong mukha, huwag gumamit ng sabon dahil may chemicals na masyadong harsh o matapang para skin ninyo. Imassage ang inyong mukha with your face wash sa loob ng 30 seconds ng paikot gamit ang iyong mga daliri. Hugasan ng malamig na tubig at sinasara nito ang iyong pores, at napipigilan nito ang bagong dumi at oil papasok sa pores. Patuyuin ang iyong mukha gamit ang malinis na towel at iwasang maghilamot ng more than twice a day, dahil dina-dry nito ang skin. Dapat ding gumamit ng men’s face scrub kahit isa o dalawang beses lang sa isang linggo, upang matanggal ang dead skin cells ngunit iwasang gumamit ng face scrub more than twice a week dahil tutuyuin nito ang iyong kutis. Imoisturized din ang inyong kutis gamit ang men’s face moisturizer at mag-apply ng katamtamang dami lang sa inyong mukha. Ang pag hydrate ng inyong mukha ay talagang nakapagbibigay ito ng kaaya-ayang tingnan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here