Single Mom

Ang sitwasyon ng isang single mom ay masyadong mahirap upang buhayin ang sarili nito ang kanyang anak. Ngunit kailangan nitong kumilos at maghanapbuhay para sa kanyang anak kahit nahihirapan ito. Titiisin nito lahat ng panghahamak ng ibang tao at matiyagang maghanap ng pwedeng pagkakakitaan. Iyong iba ay naglalabada ng damit ng ibang tao upang magkaroon ng pera para sa kanya at sa kanyang anak.

Iyong iba naman ay napilitang ibenta ang kanilang sarili upang magkaroon ng pera para panggastos para sa kanilang mag-ina. Ito ang pinakamalalang sitwasyon o naging trabaho ng isang single mom para lang mabuhay ang kanyang mahal na anak. Hamakin man siya ng lahat ng tao ay wala siyang pakialam ang importante ay magkaroon siya ng kita upang mapakain niya ng maayos ang kanyang anak. 

Sa pagsasakripisyo niya sa kanyang sarili ay hindi niya alam na kabaliktaran pala sa inaasahan niya ang mangyayari paglaki ng anak niya. Inaakala niyang ito ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan, ngunit ng magkaisip na at kaya ng tumayo sa sariling mga paa, ay ikinahihiya pa siya sa naging trabaho niya noong maliit pa ito. Matapos nitong malaman mula sa mga kapitbahay nila ay kinamumuhian siya at hiyang-hiya pa ito, at animo’y diring-diri pa sa sariling ina nito.

Pinagsasalitaan niya ng hindi maganda ang kanyang ina at nilait-lait pa bago iwan ito ng tuluyan.  Masyadong masakit para sa isang ina ang ginawa ng kanyang anak, ngunit wala siyang magagawa dahil totoo ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya. Hihintayin na lang niyang bumalik ang kanyang anak kung babalik man ito.

Tayong lahat ay nararanasan nating maging isang anak, kung ano ang ating mga magulang noon ay dapat pa din natin silang irespeto dahil wala tayo sa mundong ito ngayon kung hindi dahil sa kanila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here