Papa’s Girl

Totoo nga ba na ang mga batang babae ay masyadong malapit sa kanilang ama kaysa sa kanilang ina? Yes, kapag ang nag-aalaga sa kanila ay ang kanilang ama at kapag iniispoiled ito ng kanyang ama, katulad nalang sa tuwing pinapagalitan ito ng kanyang ina at ipinagtatanggol ng kanyang ama, talagang magiging papa’s girl ito. Kapag spoiled ang isang batang babae sa kanyang ama ay may magandang resulta din ito sa paglaki nito. Hindi lang nito iniidolo ang ama nito ngunit lumalaki din itong matatakutin sa ama kahit hindi pinapagalitan ng ama. Takot itong mapagalitan kaya sinusunod nito ang lahat ng sasabihin ng kanyang ama. Lumalaki itong matino at hindi katulad ng ibang mga kabataan ngayon na napariwara, lalong-lalo na iyong walang mga ama, hindi nila pinapakinggan ang kanilang ina at ginagawa nila lahat ng gusto nila katulad ng pagtakas sa gabi at paggala sa gabi. Kahit sisigawan pa ito ng kanyang ina ay balewala lang dito iyon. Sumisigaw pa ito pabalik kaya ang naging resulta sa pagtakas at paggala nito sa gabi ay nabuntis ito sa edad na 14 years old at ang masaklap pa hindi na sigurado kung sino talaga ang ama ng batang dinadala niya. Kung may ama ito at ito ang nagpapalaki dito ay matuwid na daan ang tatahakin nito sapagkat takot itong masaktan o mapagalitan ng kanyang ama. Gayunpaman, may mga ina rin naman na mas ma-awtoridad kaysa sa ama.Hindi natin minemenos ang mabuti ring pagpapalaki ng ina sa kanyang anak. Ang punto lamang sa pagiging papa’s girl, kapag laking ama ang anak na babae, ito ay mas may takot sa kanya at mas sinusundan niya ang yapak ng kanyang ama.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here