Nakulong ang isang anak

Nakulong ang isang anak dahil sa pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot o droga. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay gumagamit na ng ipinagbabawal na gamot, o di kaya’y nagbebenta din. At karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi na nakikinig sa kanilang mga magulang at ginagawa nila ang gusto nilang gawin, katulad ng pagsali sa mga grupo at pagkakaroon ng ng bisyo, katulad ng pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot, wala na itong pinapakinggan kahit mga magulang niya, para sa kanya ay siya lang ang tama at alam niya ang kanyang ginagawa. Hindi niya alam na hindi sa lahat ng panahon ay kaya niyang mag-isa sa buhay. Hindi niya alam na dumating ang panahon na tatawag din siya sa kanyang mga magulang. Dahil sa bisyo at siya’y nakulong na walang kasiguruhan kung makakalabas pa nga ba siya o hindi na dahil ang kaso niya ay tungkol sa drugs. Noon lang niya nararamdaman na nag-iisa¬† siya, nasa huli man ang pagsisisi ay wala na siyang magawa dahil nangyari na sa buhay niya ang hindi niya sukat akalain na mangyayari sa buhay niya. Isang araw ay lalong binabagabag ang kalooban niya dahil binisita siya ng kanyang tatay, nakita niyang nahihirapan itong maglakad, siguro dahil nakaranas ito ng mastroke dahil hindi nito maigalaw ang kabilang katawan nito. Kahit nahihirapan itong maglakad ay nakita niya itong may bitbit na supot ng pagkain. Naiyak siya sa nakitang itsura ng kanyang tatay. Noon niya naisip na dapat inaalagaan niya ang kanyang mga magulang at hindi puro sarili lang niya ang kanyang iniisip. Ang pagsisisi ay palaging nasa bandang huli, kaya bago pumasok sa kahit anong sitwasyon ay dapat isipin mo munang maigi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here