Mas Madaling Matukso Ang Mga Lalaki

Sinong mas madaling matukso, si lalaki ba o si babae? Tayong lahat ay may ibat-ibang opinion at experiences. Sinasabi ng iba na ang mga lalaki raw ang mas madaling matukso, subalit may mga kaso din na ganoon ang mga babae, pero mas maraming kaso ang mga lalaki sa pagiging madaling matukso nito. Lalong-lalo na kapag nalalayo sila sa mga asawa nila at makakita ng ibang babae na mas sexy pa. Ang mga lalaki kapag alam nilang nagkakagusto sa kanila ang mga babae ay pinapatulan nila. Ang rason nila, iyong mga babae ang nangangailangan sa kanila kaya pinagbibigyan nila at ang sabi naman ng ibang lalaki mas mabuti pa iyong mambabae kaysa manlalaki. Kung sa opinion ko lang, iyong mga lalaki kahit kasama mo pa sila at kapag nakakita ng maganda at naka-short pa, ang mga mata nila ay makasalanan talaga, kusa nalang tumitingin sa magandang tanawing nakikita nila. Kaya kung hindi nila kasama ang kanilang mga asawa o di kaya’y girlfriend ay nambabae na talaga sila. At sa kaso naman ng mga babae ay kapag nalalayo din sila sa kanilang mga asawa o di kaya’y boyfriend ng ilang taon ay papatulan din nila iyong mga lalaking may gusto sa kanila dahil may pangangailangan din sila. Ang mga babae ay matagal matutukso subalit dahil may pangangailangan din ito bilang babae kaya nagagawa nilang maakit sa tukso. Magkapareho lang natutukso ang mga babae at lalaki, ang kaibahan lang ay iyong time. In short mas madaling natutukso ang mga lalaki kaysa sa mga babae.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here