Dear Maria: Nadala na ako sa unang pag-ibig

Dear Maria,

Ako na sanang masaktan pa pero mahal ko na ang manliligaw ko. Gusto ko na sana siyang sagutin pero natatakot lang ako na maulit na naman ang aking kabiguan. Payuhan mo ako sa dapat kong gawin. — Althea

Althea,

Hindi naman kita masisisi kung nakakaramdam ka na ng takot na maniwala, magtiwala at magmahal tapos sa huli ay hindi naman pala siya pang-forever. Iyon nga lang, sa buhay naman natin na ito ay walang kasiguraduhan. Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi ka susubok.

Ang una mong pag-ibig at ang manliligaw mo ngayon ay magkaibang tao. Malaki ang posibilidad na di naman mangyari ulit ang sakit na naranasan mo noon. Ngunit, hindi rin nama ako manghuhula para matiyak ko na hindi ka na masasaktan, kaya lang, mas maiging alamin mo ang sagot sa muling pagtitiwala kaysa naman hayaan mo lang pawalan ang ikalawang pagkakataon mo para umibig.

Kahit naman kasi gaano ka kamahal ng isang tao, darating din ang panahon na di na niya nanaisin pang maghintay kung wala ka naman balak na subukan muling umibig. Kaya, kung mahal mo ang iyong manliligaw, paglalabanan mo rin ang takot na iyong nararamdaman mo. Malay mo, siya talaga ang iyong ka-forever.

Sana naman ay mag-move on ka ng tuluyan sa nakaraan mong pag-ibig. Kahit kasi sabihin mong mahal mo ang iyong manliligaw, kapag naging magkarelasyon kayo ay di mo rin maiiwasang ikumpara ang relasyon ninyo sa una mong karelasyon. Baka nga, dahil sa kagustuhan mong mas maging maingat ay pagdudahan mo lang palagi ang ikikilos at sasabihin niya. Naku, kapag ganyan ang nangyari, huwag mo na asahan pa na tatagal kayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here