6 Signs na Kayo na Talaga Para sa Isa’t Isa

Hindi madaling makahanap ng partner sa buhay. May mga iba na akala nila ay nahanap na nila ang makakasama nila habang buhay, at may iba naman na akala nila ay hindi yun ang para sa kanila, pagkatapos ay nagkamali din sila. Kung naguguluhan ka sa maraming bagay at hindi mo alam kung sure ka na sa partner mo, basahin lamang ang article na ito.

Sabi nga nila, “It takes two to tango.” Hindi pwedeng umasa ka lang na magiging perfect ang partner mo pagkatapos ay wala ka namang ginagawa para maging maayos ang relasyon ninyo. Pero kung di mo matantsa kung kayo talaga, ito ang 8 signs na kayo na nga talaga para sa isa’t isa.

1. Committed Kayo sa Isa’t Isa

Importante sa inyo ang pagsasama ninyo at ang bawat desisyon na ginagawa ninyo dahil alam ninyong ang bawat desisyon ninyo ay magkadikit at may epekto sa buhay ninyo. Kung kaya, di kayo gumagawa ng mga desisyon na makakasama sa relasyon ninyo. May ibang couples kasi na hindi nakikitang partner ang karelasyon nila. May iba naman, puro happy times lang ang gusto, at walang suporta pagdating sa mga problema.

2. You Enjoy Sex, Pero Mas Na-aappreciate ninyo ang intimacy na lagpas pa sa nabibigay ng pagtatalik

May mga kabataan ngayon na mapupusok. Sa isang matured relationship, maraming mas importanteng bagay kumpara sa sex.

3. Parehas kayo ng views sa buhay

Kahit pa may iba sa mga paniniwala ninyo, mas karamihan sa mga pananaw ninyo sa buhay ay magkatugma. At, mayroon kayong samahan na naniniwala sa “Agreeing to disagree”. Sa iba kasing couples, kailangan may mas tama lagi. Hindi nagkakasundo at laging nagdedebate.

4. Noon pa man ay naghahanap na kayo ng meaning relationship

Importante para sa inyo ang relationship in general, at hindi ninyo gusto ang mga panandalian lang. May ibang tao kasi na madaling magsawa at nakikita ang relasyon bilang isang bagay sa buhay nila na dapat masaya palagi.

5. Mayroon kayong equal levels of power

Batay sa pag-aaral, ang pag-stick sa gender roles ay nakakabawas sa kaligayahan sa isang relasyon. Apatnapu’t dalawang porsiyento ng mga mag-asawang nag-ulat na masaya ay nagsabi na walang sinuman ang namamahala. Mas madalas ito sa younger couples, kumpara sa older couples kung saan mas dominante ang mga lalake sa mga desisyon, pagmanage ng finances at kahit sa bedroom.

6. Pinag-uusapan ninyo ang health issues ninyo sa isa’t isa

Sa isang matured at sure relationship, open kayo sa isa’t isa tungkol sa maraming bagay, lalung lalo na sa kalusugan. Hindi kayo nahihiyang magsabi ng mga nararamdaman ninyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here