Mga Taong Sanay Na Sa Break Up, Mas Nagiging Masayahin

Sino nga ba ang hindi malulungkot kapag naranasan ang break up? Isa ito sa mga mahihirap na senaryo ng buhay. Dahil ang mundo ay pinaiikot ng pag-ibig, kaya kung pag-ibig ang mananakit sa’yo, siguradong masasaktan at masasaktan ka ng sobra kahit ideny mo pa ito. Walang manhid sa pag-ibig. Maging ang mga tao na iniisip nating hindi marunong magmahal ay nagkakamali tayo. Hindi sila bato. Nagmamahal sila sa paraan na gusto nila. Maaaring sa tahimik na paraan na isinasaloob lang nila. Sa paraan na hindi nalalaman ng iba at sa paraan na hindi lang natin napupuna. Yung mga tao na mapagkimikim ay sila yung mas malalim ang nagiging sugat na dala ng kabiguan. Sila yung mas mabigat magdala ng kasawian dahil sinosolo lang nila lalo na kung hindi sila sanay dito. Isang minsanan subalit malalim na pagkabigo. Ang minsanang kasawian na ito ay maaaring magpaguho sa kanilang pagkatao kaya lalo silang nagiging malungkutin.

Kung ikaw naman ay tao na nakaranas na ng maraming break ups, umasa ka na hindi na ito magiging kasing sakit ng una. Para isa itong gawain na makakasanayan mo na lang. Kahit pa kasi gaano ka na ka-expert humawak ng relasyon ay hindi mo pa rin ito pwedeng panghawakan na hindi ka na makakaranas ulit ng kabiguan. Dahil lahat ng tao ay may iba’t-ibang pagkatao. May sarili silang isip at puso na anytime ay pwedeng magbago. Habang dumarami ang break up na dumaraan sa buhay mo ay mas nababawasan naman ang kalungkutan na dinadala mo dulot nito. Hindi mo lang namamalayan pero nagiging masayahin ka na. Mas matatag ka nang harapin ang sitwasyon na tulad sa isang malaking pagsubok. Mas naha-handle mo na ito ng tama kaysa sa mga nauna mong kabiguan.

Halimbawa naman, ikaw ay may karelasyon at nakipagkalas ka sa kanya, pero napansin mo na hindi niya ito gaanong ininda, huwag mong isipin na hindi ka talaga niya totoong mahal kaya okay lang sa kanya ang naging break up nyo. Hindi lang ito ang pwedeng maging dahilan, pwedeng siya ay sanay na at hinulma na ng kanyang mga pinagdaanan kaya sa halip na kalungkutan ay makikita mo pa siyang masaya. Hindi ito isang kabaliwan kundi isang katotohanan na hindi lang natin minsan tinatanggap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here