Iba’t-ibang Sukatan Ng Pag-ibig

Sa pag-ibig ay may iba’t-iba tayong pinagbabatayan. Nakadepende sa kung paano natin ito naranasan. Kung hindi maganda ang karanasan natin sa pag-ibig, nagiging kumplikado na ang sukatan natin dito, unlike sa may magandang karanasan ay mas open ang nagiging batayan.Narito ang ilan sa mga sukatan natin sa pag-ibig.

1.Time- Ito ang isa sa mahahalagang sukatan natin ng pag-ibig. Ang time o panahon na mailalaan sa atin ng isang tao. Hindi raw sapat na dahilan ang sobrang kabisihan para makalimutan mo ang anibersaryo nyo ng iyong karelasyon o kumustahin man lang siya sa isang simpleng araw. Ilabas paminsan minsan. Kung hindi mo maibibigay sa kanya ang iyong oras at panahon, maaaring hindi sapat ang pag-ibig mo sa kanya. Gaano ka man ka-busy, magkakaro’n at magkakaro’n ka ng oras para sa kanya.

2.Effort- Mahalaga rin na naipapakita mo ang effort  mo sa ikakabuti ng inyong relasyon. Kapag gumagawa ka ng effort, aminin man o hindi ng iyong kapareha ay naa-appreciate niya ito at nagiging sukatan ito ng pag-ibig  niya sa’yo

3.Money- Gaano nyo man kamahal ang isa’t-isa kapag kumalam na ang inyong sikmura ay gagawa at gagawa kayo ng paraan para magkaroon ng pera at makakain. Kaya naman karamihan ay naghahanap ng tao na may stable na trabaho dahil hindi nila gugustuhin na magutom sa gitna ng kanilang pag-iibigan. Kung may maganda kang trabaho, mas malaki ang chance mo na makahanap ng pag-ibig, dahil sa aminin man natin at hindi, ito ay isa ring sukatan.

4.Trust- Kapag ang isang tao ay minahal mo, kasama na roon ang tiwala na ibibigay mo sa kanya. Dahil siya ang iyong pag-ibig ay walang pag-aalinlangan mo siyang pagkakatiwalaan sa maraming bagay kabilang na ang iyong mga sikreto sa buhay. Habang hindi niya sinisira ang tiwala mo ay mananatiling buo ang pag-ibig mo sa kanya. Subalit sa oras na ito magkalamat, ang pag-ibig ay nagkakalamat rin

5.Katanyagan- May mga tao naman na ang nagiging sukatan ng kanilang pag-ibig ay nakabase sa katanyagan. Kung tanyag ang isang tao ay mas madali siyang makakakuha ng pag-ibig. Marami kasi ang mabibighani sa kanyang talento. Pero sa oras na siya ay malaos na ay unti-unti ring naglalaho ang pag-ibig na ang pundasyon ay ang kanyang katanyagan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here