Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 4, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Pebrero 4, 2020,  Martes – Ibinilang ang iyog pangalan sa mga tatanggap ng malaki at magagandang kapalaran sa taong ito ng 2020 kaya ipanatag mo ang iyong kalooban, dahil tiyak na ito ay darating na at iyong matatanggap. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 8, 19, 25, 28, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Magdaratingan sa buhay mo ngayon ang mga bagong suwerte at magagandang kapalaran at ito ay mananatili na sa iyo sa buo mong hanggang sa matapos ang taong 2020. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  3, 18, 21, 24, 36, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ihuhulog ng langit sa harapan mo ang isang oportunidad na magbibigay sa iyo ng asensadong buhay. ‘Wag ng mag-alinlangan, kuhanin at sunggaban mo agad bago ka pa maunahan ng iba. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 33, 39, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ito ang araw na mas mainit ang pagmamahal mo kaysa sa sikat ng araw. Dahil sa sobrang tuwa ng mahal mo at sobrang tiwala, kahit ano ay puwede mong hilingin sa kanya. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  2, 14,  18, 20, 25,  31.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Dapat na maging listo ka sa araw na ito. Kapag nahalata mong niloloko ka, wag kang maging dakilang tanga. Layuan mo na kahit pa siya ay mahal mo.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 16, 29, 37, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Makakabangga mo ang malalaking mga tao at ang mga may sinasabi. Ang tunay na dahilan ay sa kanila ka kabilang. Kaya nga walang pagdududa na magkakaroon ka rin ng malalaking tagumpay sa buhay.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 5, 8, 18, 27, 32, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Anuman ang pinagsisintir mo sa ngayon, tigilan mo na. Alisin mo mula ngayon ang hinanakit at galit sa iyong dibdib dahil ikaw ay isinilang ng dahil sa pag-ibig. Gaganda ang kapalaran mo at lalo ka pang susuwertehin kapag nabuhay ka ng nagpapatawad at laging nagmamahal. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  6, 12, 27, 37, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Babaguhin ng mahal mo ang kanyang sarili upang kanyang mapatunayan na mahalaga ka sa kanya at hindi ka puwedeng mawala sa kanyang tabi. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 4, 16, 19, 26, 35, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mahalin mo ang kaaway mo at ang mga taong nakakasamaan mo ng loob, dahil kapag ginawa mo yan, mamahalin ka rin ng nasa itaas at gagantimpalaan ka ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  4, 11, 28, 34, 43, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  May didikit sa ‘yo sa araw na ito at kahit na itaboy mo, hindi ka na niya hihiwalayan. Ang pangalan nya ay “suwerte”. Hindi mo naman ito dapat na sarilinin. Ibahagi mo sa iba ang suwerte at magagandang kapalarang darating upang lalo pa itong dumami at mas marami ang makinabang. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 5, 14, 25, 34, 36, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kapag hindi ka maunawaan ng ilang mahal mo sa buhay, wag ka na lang kumibo ng hindi na lumala ang sitwasyon. Sa iyong pananahimik, sila na mismo ang makakatuklas ng kanilang pagkakamali. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 3, 15, 21, 37, 43, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Tagapamagitan at karamay! Ito ngayon ang iyong papel sa mundo. Ikaw ang pinili ng langit dahil sa kalinisan ng iyong kalooban, dahil likas kang maawain at matulungin at dahil marami ang naniniwala sa iyo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 7,  19, 25, 37, 43, 44.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Wag kang mangako, dahil ang bukas ay hindi ipinapangako sa araw na ito. Sa halip, simulan mo ang araw na ito na may katapatan sa iyong puso at simulan mo ang mga pagbabagong noon mo pa balak ipatupad upang higit na mas maging maunlad at masagana ang iyong bukas. Mapalad na kulay ang golden yellow. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 1, 13, 22, 31, 37, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here