Sex before marriage

Tama nga bang ibigay natin ang ating mga sarili sa mga boyfriends natin bago tayo ikasal?

Sa panahon ngayon ay ginagawa na ng mga kabataan na pang adult lang, kahit mga teenagers ay ginagawa na ang pakikipagtalik sa isat-isa. Kung sa mga nakaraang taon ay sa ibang bansa lang nangyayari ang ganito, subalit ngayon ay nakikipag adopt na ang mga pilipino sa pinagagawa ng mga tao sa ibang bansa, nagiging liberated na din.

Sa henerasyon ngayon ay hindi na importante o mahalaga ang kasal muna bago ang sex. Ginagawa na ng mag-boyfriends ang ganitong bagay kapag nagkaintindihan sila, wala ding hard feelings kung gusto nilang maghiwalay.

At tungkol naman sa kaso ng mga kabataan o teenagers ay ginagawa na din nila ito dahil alam na nila ang tungkol sa sex, dahil sa makabagong technology ngayon katulad ng computer at internet, doon nila nakikita at natutunan ang tungkol sa sex at ginagaya nila ito. Kaya maraming nabubuntis na mga teenagers dahil sa natutunan nila at ang mas masaklap pa ang mga teenagers ngayon ay may sarili ng pananaw sa buhay at hindi na masyadong nakikinig sa kanilang mga magulang dahil may sarili na silang isip. Ngunit kapag sila’y nabubuntis na ay umuuwi din sila sa pamilya nila at saka pa maghahanap ng ina. Iyong ibang mag-boyfriends naman ay ginagawa nila ang sex basta’t nagkakaintindihan sila. At iyong ibang mga lalaki ay naniniwalang dapat gawin ang sex bago ang kasal dahil gusto nilang malaman kung mabubuntis nga ba ang kanilang girlfriends, at kapag nabuntis na ito’y saka pa nila pakakasalan ang babae.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here