Dear Maria: Pinapalayas ng magulang dahil sa boyfriend

Dear Maria,

Mahal na mahal ko ang aking boyfriend pero ayaw sa kanya ng mga magulang ko. Para raw kasing adik. Feeling nila ay masisira lang ang buhay ko kung ang boyfriend ko ang aking makakatuluyan. Kaya, pinapalayas na nila ako. Ano ba ang aking gagawin? – Camilla

Camilla,

Ang mga magulang natin ay mayroong iba’t ibang paran para tayo ay disiplinahin at sabihin na mali ang desisyong pinipili natin. Maaaring nasasaktan ka dahil pakiramdam mo ay tinataboy ka na ng iyong mga magulang pero kung susurin mo lang, ginugusto nilang pakaisipin mo ang iyong sitwasyon ngayon.

Sa palagay mo ba ay deserving ang boyfriend mo sa pagmamahal mo. Hindi naman porke guwapo siya ay sasabihin m ng karapat-dapat siyang mahalin. Kailangan din naman ay kilalanin mo siya ng husto. Bakit ang tingin sa kanya ng parents mo ay para siyang adik? Judgemental lang ba sila o baka naman hindi talaga mabuting tao ang iyong boyfriend?

Camila, huwag kang maging bulag sa pag ibig. Kailangan naman ay gamitin mo rin ang isip mo. Kung hindi mo kasi gagawin ‘yan, ikaw lang din ang magiging kawawa.Kung ang boyfriend mo ay wala namang trabaho o di  nag-aaral, anong magiging buhay mo kapag siya ang iyong nakatuluyan? Tiyak na masisira rin ang buhay mo.

Saka, kung di naman totoong adik ang iyong boyfriend, magiging masigasig siya na ipakilala ang kanyang sarili sa’yong mga magulang. Kaya, ang payo ko sa’yo, huwag mong balewalain ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa’yong boyfriend. Saka, matuto kang makinig. Huwag mong hayaan na masira lang ang buhay mo sa isang tao.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here