Ang sikreto ng mga magagandang teenagers

Ang mga kabataan ngayon ay subrang aarte na, dahil hindi na makakaalis ng bahay kung hindi nag-aayos ng sarili, subalit may mga kabataan naman na simple lang ang peg, dahil tamang suklay lang at polbo ay ayos na, pwede ng pumasok sa paaralan o di kaya’y lumabas.

Ngunit sa panahon ngayon ay hindi ka na pwedeng hindi mag-ayos ng sarili kahit isa ka pang teenager, dahil pipintasan ka ng kapwa mo teenagers, na kesyo nagmukha kang manang, depende sa ayos mo. Kaya Ang mga teenagers ngayon ay kumbaga nag-upgrade na, malaking kaibahan na talaga sa panahon noon.

Ano nga ba ang mga sikreto ng mga magagandang teenagers ngayon? Ang pag-aalaga ng buhok at lips ng mga teenagers ang inaalagan ng mga kabataan ngayon.

Ang mga kabataan ay palaging conscious sa kanilang buhok, inaayos nila ito ng kung anu-anong klaseng ayos ng buhok para lang magmukha silang maganda, palage silang nagtatanong kung okay lang ba ang ayos ng kanilang buhok, o di kaya’y ginagaya nila ang buhok ng kanilang iniidolong artista.

Ito naman ang dapat gawin ng mga teenagers upang maging healthy ang kanilang lips at buhok.

Dapat naligo araw-araw at upang hindi mag-dry ang buhok at scalp dapat dalawang beses lang sa isang lingo nagsha-shampoo at huwag kalimutang maglagay ng conditioner araw-araw kahit walang shampoo. Hayaang maging oily ang buhok, para maging healthy Ito. Iwasang mag-apply ng ibat-ibang kulay ng buhok upang hindi na madamage ang buhok ninyo. At linising mabuti ang inyong buhok. Ang lips naman ay dapat laging naka moisturized kung kinakailangang gawin ito palagi ay gawin natin upang hindi mag-dry at mag cracked ang lips natin. Iwasang matanggal ang moisturizer upang hindi maging dry ang lips.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here