Tips para malaman kung niloloko ka ng iyong dyowa

Una, madalas siyang magsinungaling. Wala siyang respeto sa’yo kung palagi na lang siyang nagsisinungaling sa’yo. Pwede ba, kung ganyan ang syota mo, huwag mo na siyang pagkatiwalaan. Darating kasi ang sandali na magmimistulan iyang ahas na tutuklawin ka na lang. Tandaan mo rin, ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Sa madaling salita, traydor.

Pangalawa, lumalapit lang siya kapag may kailangan sa’yo. Dapat ay hindi ka maging manhid. Kung palagi siyang may pabor na hinihingi sa’yo, tapos hindi ka naman niya gustong makasama palagi, niloloko ka lang niya. Kung tunay ka kasing mahal ng dyowa mo, gugustuhin niyang makasama ka palagi at mahihiya siyang humingi ng kung anu-anong pabor sa’yo lalo na kung may kinalaman sa pera dahil hindi niya gugustuhing isipin mo na nagti-take advantage siya.

Pangatlo, marami kang naririnig na tsismis tungkol sa’yong dyowa. Walang usok kung walang sunog. Ibig sabihin, huwag mong balewalain ang mga kuwentong naririnig mo tungkol sa’yong dyowa. Kaysa, awayin mo lang ang mga taong nagsasabing niloloko ka ng dyowa mo, mag-imbestiga ka para malaman mo ang katotohanan.

Pang-apat, hindi siya gusto ng mga taong malalapit sa’yo. Kung bulag ka sa kapintasan ng iyong dyowa, ang mga taong malalapit sa’yo ay malinaw na malinaw ang mga mata kaya alam na alam nila kung anong intenyson sa’yo ng dyowa mo.

Panlima, iritado ang mga alaga mong hayop sa kanyang presensiya. Sabi nga, may kakayahan ang mga hayop na malaman kung ang isang tao ay mabuti o masama. Kung ang alaga mong hayop ay buwisit din sa presensiya ng dyowa mo, malamang, manloloko ‘yan. Kaya kung may aso ka at lagi siyang kinakahulan, mag-imbestiga ka na para malaman mong panlolokong ginagawa sa’yo ng iyong minamahal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here