Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 31, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 31, 2020,  Biyernes – Matutupad ang lahat ng pangarap mo kahit imposible. Sapagkat  itinakda na ng langit na ang mga bagay na imposible ang talagang mangyayari sa kapalaran mo. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 4, 17, 23, 28, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na malaya mong magagawa ang anumang gusto mong gawin. Dahil ang mismong langit ang nasa iyuong harapan at siya ang makakalaban ng sinumang ko kokontra sa iyong mga kagustuhan.  Gawin mo na ngayon ang gusto mong gawin at tiyak na mananaig at magtatagumpay ka!  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 3, 18, 26, 34, 39, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nakita ng nasa itaas ang iyong kalungkutan at pangangailangan. Kahit hindi ka kumikibo, unti-unti ng papawiin ng langit ang iyong mga suliranin. Magiging masaya na ang pasok ng buwan ng Hunyo tagos hanggang sa panahon ng malalakas na buhos ng ulan. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 4, 10, 29, 31, 38, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi ka pa maaawat sa iyong paglipad dahil sa dami ng gusto mong puntahan. Mula ngayon ikaw ay hahayaan ng langit na hanapin ang iyong kaligayahan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  7, 15, 27, 33, 38, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mahina ka ngayon dahil ang damdamin ang iiral sa iyo. Pero malakas ka rin, dahil ang damdamin mo ang magpapalambot ng mga makakaharap mong may matigas na kalooban. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 7, 13, 28, 34, 41, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Dagdag biyaya ang darating ngayon. Ito ang tawag sa mga suwerteng hindi mo naman inaasahan. Ang mga suwerteng hindi mo naman gaanong kailangan ay ihahagis sa iyong ng kapalaran. Sa ganitong sitwasyon, matututo kang magbahagi sa iba at mamigay. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 14, 21, 24, 39, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Inuutusan ka ngayon ng langit na hanapin mo ang mga bagay na puwede mo pang baguhin sa buhay mo ng sa ganon ay bumilis ang iyong pag-asenso. Inuutusan ka ring gawin mong mabilis ang anumang pumasok sa isip mo at tiyak na ito ay matatapos at magagawa mo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 4, 13, 28, 30, 34, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Inaasahan ng mga kaibigan mo at kakilala na makatutulong ka at mabibigyan mo sila ng magandang kapalaran. Malaki ang pagtingin at tiwala nila sa iyo. Kung anuman ang meron ka ipagkaloob mo, dahil kung anuman ang ibinabahagi mo sa iba, siksik-liglig, dobleng biyaya ang igaganti sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 14, 19, 32, 42, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi ka bibiguin ng langit sa mga hinihiling mo. Hindi mo rin dapat biguin ang langit sa ipagagawa sa iyo. Tulungan mo ang mga taong malalapit sa iyo na labis na naghihikahos sa buhay sa kasalukuyan. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 6, 19, 24, 34, 35, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kahit saan ka magpunta hinihintay at sinusundan ka ng suwerte. Pero hindi ka naman dapat umalis sa kasaluyan mong kinalalagyan, dahil sa ngayon patuloy kang gagabayan at babantaya ng magaganda mong kapalaran na tulad sa isang bituing laging nakatanglaw sa iyo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 3, 21, 33, 35, 42, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Wag kang papayag na maghari sa iyo ang mga negatibong pananaw. Balikan mo ang mga nakaraan mong tagumpay. Kapag iginugupo ka ng pag-sisintir at matinding kalungkutan, bigkasin mong paulit-ulit ang nakaukit na orasyon sa singsing ng mga sinaunang hari: “Ito Man’y  Lilipas Din!”  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 1,  16, 18, 22, 27, 45.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Magaling kang magpayo sa iba. Kaya ang pinapagawa sa iyo ng langit ngayon ay payuhan mo ang sarili mo. Upang palarin at suwertehin ka ipayo mo sa sarili mo na pasunurin ang sarili niya. Magagawa mo ba yan?   Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  5, 7, 12, 18, 29,  41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang tagumpay ay mapapasa iyo kung hindi ka mag-aalinlangan. Ang pag-aalinlangan ay nagsasabing mabibigo ka na naman. Kailan mo ba bubuuin ang tiwala mo sa iyong sarili? Buuin mo na ngayon, upang tuloy-tuloy ka ng suwertehin at magtamo ng magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  1, 14, 23, 29, 36, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here