Ang pag-iignore ng taong mahal mo

Anong mangyayari kapag iniignore natin ang taong mahal natin?

Lahat tayo ay may taong minamahal, sapagkat lagi nating sinasabi na mahal natin sila dahil iyon ang alam nating nararamdaman para sa kanila. Ngunit hindi natin alam na mali pala ang pagbibigay natin sa ating pagmamahal para sa kanila.

Para sa atin ay kuntento na tayo kapag sinasabihan natin silang mahal natin sila at sasagot din sila ng mahal din kita.

Hindi na natin alam na may pangangailangan din sila, katulad ng moral support, pero hindi natin maibigay sa kanila dahil may iba din tayong pinagkaabalahan, katulad ng barkada, bisyo at lakwatsa.

Wala na tayong panahon para sa ating minamahal, at minsan ay nakaligtaan na natin silang tawagan dahil sa barkada at bisyo. Mas inuuna pa natin ang barkada at bisyo at ang lagi nating iniisip ay andiyan lang ang taong mahal mo at matiyagang naghihintay sa iyo. Kaya binaliwala mo na ang importanteng bagay sa inyong relasyon, katulad ng pagtatawagan, pagbisita o di kaya’y pakikipag bonding sa labas kasama ang taong mahal mo.

Dahil sa pagbabaliwala mo sa mga importanteng bagay sa inyong relasyon ay hindi mo na alam na minsan ay kailangan ka niya sa oras ng kagipitan, pero benabalewala mo lang Ito. Kaya ang taong inaakala mong mahal na mahal mo at matiyagang naghihintay sa iyo ay bigla nalang nawala. Saka mo pa na-realize kung gaano siya ka importante sa iyo ng bigla nalang siyang nawala ng dahil sa pagbabalewala mo sa kanya. At saka mo pa nararamdaman ang sakit na nararamdaman niya ng mawala na siya sa iyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here