Tips para di tamarin ang anak mag-aral

Ang diploma natin ang magiging pasaporte natin para tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Sa pamamagitan kasi nito ay nakatitiyak tayo na magkakaroon tayo ng magandang trabaho.Iyon nga lang, paano mangyayari iyon kung ngayon pa lang ay marami ng dahilanang iyong anak para lang di sia pumasok. Kung ganoon din ang iyong anak, makabubuting basahin mo ang artikulong Tips para di tamarin ang anak mag-aral

Una, huwag hayaang um-absent ang anak. Kung hindi papasok sa eskuwelahan, siguradong bababa ang kanyang marka o baka nga maging repeater pa siya. Kaya, kung ayaw mong tuluyang mawalan ng gana ang iyong anak sa pag-aaral, huwag mong kukunsintihin ang kagustuhan niyang mag-absent palagi.

Pangalawa, ipaliwanag sa kanya kung ano ang mangyayari kapag di siya mag-aaral nang maigi. Kailangan ma-realize ng anak mo na hindi habambuhay ay naririyan ka para siya ay suportahan, kaya, kailangan, marunong siyang tumayo sa sarili niyang paa para magkaroon siya ng kumportableng buhay.  Hindi mangyayari iyon kung hindi siya magkakaroon ng matinong trabaho. At, pano nga mangyayari iyon kung hindi nga siya nag-aaral?

Pangatlo, bigyan siya ng premyo kapag matataas ang kanyang grado. May mga pagkakataon na bilang magulang, kailangang gumawa ka ng paraan para ganahan ang iyong anak na mag-aral. Sa pamamagitan kasi nito ay masasabi mong di ka rin nagpabaya.

Pang-apat, huwag ibigay ang lahat ng kanyang luho. Kung nakukuha na niya ang lahat ng maibigan niya, maaaring isipin niya na pupuwede na rin niyang balewalain ang kanyang pag-aaral.

O, sana naman ay huwag kang maging dahilan para mawalan ng gana ang iyong anak sa pag-aral. Mas maigi kung maeenganyo mo siyang magkaroon ng magandang buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here