Dapat bang bigyan ng gadget ang ating mga anak para lamang manahimik?

Ang mga tablets at smartphones ay mga gadgets na Hindi pwedeng mawala sa atin ngayon, dahil Hindi language natin ito ginagamit sa pagtext at sa pagtawag kundi ito’y ginagamit upang patahimikin ang ating mga babies sa tuwing sila’y umiiyak dahil tayo’y may ginagawa, lalong-lalo na kapag iyong ginagawa natin ay importante. Habang nagbibiyahe naman at subrang likot ng mga anak natin o di kaya’y umiiyak sa loob ng sasakyan, mapapatahimik lang natin ang mga ito kapag binibigyan natin sila ng tablet o di kaya’y cellphone. Kadalasang ginagawa ito ng mga magulang ang pagbibigay ng nasabing gadgets sa mga batang may tauntrums at para magbehave ang kanilang mga anak. Subalit may bad at good effects din ang mga nasabing gadgets.

Ang mga batang nasa edad na dalawa hanggang limang taon ay dapat limitahan sa panunuod ng videos ang mga ito, dapat bigyan lang sila ng isang oras sa panunuod sa isang araw. Hindi sa nakakasama ang mga gadgets sa mga bata, ngunit sila’y mawawalan ng ganang matulog at mawalan ng ganang makipaglaro sa kapwa niya bata. Sa unang taon ng bata ay mabilis na itong natututo at mas maganda kung nakapag interact sila sa mga tao, hindi iyong screens lang.

Ang mga batang laging nakayuko at walang eye contact sa mga tao ay maaaring makakaapekto sa kanilang mga utak.

Ayon naman sa mga eksperto ay Ang sobrang nakatutok sa screen ng gadgets ay nakapag contribute ng heart disease sa hinaharap. Ang iba namang kabataan ay nasubraan sa panunuod ng videos sa isang gadget ay nagiging overweight at obese ito. Ang pagiging obesity pa naman ay magpapatuloy hanggang sa maging adult na ang isang bata, at magkakaroon na siya ng high cholesterol at highblood at iba pang seryosong sakit. Ang mga bata ay mas mabilis matuto kapag sila ay may nahahawakang bagay. Iyong tipong makapag explore sila, Hindi language iyong mga mata lang nila ang nakatutok sa screen ng isang gadget(smartphone) ay may 20minutes lang ang tulog sa gabi. Ito marahil ay dahil sa bluelight na nakalagay sa screen ng isang gadget.

Ang bluelight ay sinasabi ng marami na nakakabulag ito kapag nasubraan ka sa pagtutok sa screen ng iyong gadget, pero hindi ang  bluelight ay nakakaapekto lang sa iyong pagtulog lalong-lalo na sa mga bata at makapag dry ng mga mata.

Ang good effects naman sa mga nasabing gadgets:

Maraming eksperto Ang nagtatanong tungkol sa paniniwala na bawal para sa mali-liit na bata ang paggamit ng kahit na anong touch-screen.

Ang natuklasan ng mga eksperto ay nakakatulong sa mga bata na makapag unwind sa pamamagitan sa panunuod ng video  sa isang gadget. Maagang natututo ang mga bata tungkol sa technology at Ang technology ngayon ay isang important skills dahil ito ay magiging parte ng kanyang  school learning. Mas nakakabuting makapag explore ang mga bata sa murang edad pa lamang. Mas mabilis na natututo ang mga batang mahilig magbasa ng mga gadgets kumpara sa mga batang sa libro lang nagbabasa at nag aaral.

Ang mga gadgets ay ginagamit din sa mga kabataan ngayon upang makipag usap sa mga kaibigan nila at sa mga kamag anak na nasa malayong lugar. At ayon pa sa mga eksperto ang palaging nakatutok sa screen ng isang gadget ay hindi nakakasama sa mga bata, at Hindi din nakaka depressed ng mga bata,pagiging makasarili, hindi makakaisip ng pagbibigti. Kaya mga magulang huwag na kayong mag-alala para sa mga babies ninyong laging nakababad sa screen ng tablets at smartphones.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here