Long distance relationship

Marami sa ating mga kababayan na nagtitiis sa long distance relationship, mag boyfriend man o mag-asa  na dahil sa kagustuhang mapabuti ang buhay ng pamilya nito.

Tinitiis nito na mawalay sa taong minamahal nito dahil sa kanyang pangarap para sa magiging pamilya niya sa hinaharap.

Ngunit minsan ang buhay ay weather weather lang dahil iyong taong mahal niya na naiiwan dito ay hindi na makapaghintay sa kanya at sa kanyang pag-uwi ay nag-asawa na Ito ng iba.

Ganito kahirap ang sitwasyon ng taong nagmamahal sa malayo, nasa malayo pa na masasaktan pa kaya maraming nagpapakamatay sa ibang bansa na mga kababayan natin dahil iyong taong mahal nila ay nang-iwan sa kanila. Iyong taong inaakala nilang naghihintay sa kanilang pagbabalik.

Ang iniisip ng ibang tao ay masuwerte ang pamilya noong nasa ibang bansa dahil maraming pera daw ang nasa abroad, subalit hindi nila alam na nagsasakripisyo Ito kahit naiiwan nito ang taong mahal nito dito sa pilipinas.

At kadalasang  nangyayaring nagkakalayo ang mga loob ng mga taong nagmamahalan ng long distance dahil puro na negatibo ang laman ng kanilang isipan sa isat-isa. Minsan iniisip ng isa na may ibang tao na itong pinagkaabalahan dahil sa hindi nito nasagot ang tawag o text nito o di naman kaya’y hindi makatawag ang isa sa usapan nilang oras na tumawag Ito. Mahirap talaga kapag ang ka relasyon mo ay nasa malayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here