Ano o Sino ako sa buhay mo?

Ito ang kadalasan nating tanong sa ating mga sarili sa tuwing may problema tayo sa ating mga boyfriend’s, girlfriends, o di kaya’y ating mga asawa. Dahil minsan hindi natin maiiwasan sa ating away iyong makakapagsabi tayo ng ating mga hinaing tungkol sa mga nakaraang problema na benalewala ng kapareha mo at lumalabas na ikaw palage ang may kasalanan sa tuwing nag-aaway kayo.

Kapag may napansin kang mali sa ginagawa niya ay nagagalit siya agad kapag sinisita mo siya, ayaw niyang magrereklamo ka at dapat perfect lahat iyong ginagawa mo. Iyong tipong wala kang karapatang magsalita o magreklamo?

At minsan kapag hindi mo na talaga kaya iyong ginagawa niya sa iyo ay natanong mo siya kung Sino ba ako sa buhay mo? Ano ba ako sa buhay mo? Natatakot ka mang sabihin Ito sa kanya dahil nga binigay mo na ang lahat sa kanya, ngunit magkakaroon ka ng lakas ng loob kapag nasubrahan na iyong ginagawa niya sa iyo.

At kapag mag-asawa naman kayo mas malala ang sitwasyon mo kapag nasa teritoryo ka nila, pagtutulungan ka ng pamilya niya kapag nagkaproblema kayo o di kaya’y kapag nag-aaway kayo. In short kawawa ka kapag mag-isa ka lang sa teritoryo nila at walang makakatulong sa iyo. Lage pa kayong nag-aaway ng kapareha mo dahil sa kapamilya nito. Kaya maitatanong mo palage sa kapamilya nito. Kaya maitatanong mo palage sa sarili mo kung sino ka ba talaga sa buhay niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here