Ang pagiging maganda kahit walang make-up

David Proval, Maria Menounos and Kelly Hu share scenes from their movies and television appearances with U.S. Army Col. David G. Cotter, Area Support Group Qatar commander, at Camp As Sayliyah, Qatar, March 11. The Hollywood celebrities were visiting troops serving in southwest Asia during an Ambassadors of Hollywood Tour. (Official Army Photo/Dustin Senger)

Ano nga ba ang ating gagawin upang maging maganda kahit walang make-up? Simple lang dapat alagaan natin ang ating sarili, lalong-lalo na Ang ating mukha. Dahil dito nakasalalay ang lahat-lahat para sa ating mga babae. Parang naka depende sa itsura natin ang ang ating hinaharap. At kahit may asawa na ay dapat pa din nating alagaan ang ating sarili at mukha, porke’t may asawa kana ay kalimutan mo na ang pagpapaganda sa iyong sarili.

Ang pag-aalaga ng ating kutis ay ang susi sa pagiging maganda tingnan kahit walang make-up. Ugaliing linisin o hugasan ang mukha araw-araw at maglagay ng moisturizer araw-araw, mag exfoilate ka kahit isang beses sa isang linggo, kailangan din gumamit  ng toner, at higit sa lahat dapat parating tanggalin ang make-up.

Mag-ingat na hindi ka magkaroon ng pimples sa mukha dahil magiging panget ka tingnan kapag may pimple ka. Maglagay ng sunscreen moisturizer upang maprotektahan ang ating kutis mula sa direktang sinag ng araw, at iwasang hipuin ang mukha natin upang hindi mapunta sa mukha natin ang alikabok na nakukuha natin sa mga hinihipo nating mgabagay araw-araw. Kapag ganoon ay pwede kang magkaroon ng pimples sa mukha dahil sa alikabok o di kaya’y dahil sa dumi o germs na mula sa kamay natin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here