Ang mga sekretong ginagamit ng mga magagandang babae

Lahat tayong mga babae ay palaging conscious sa ating itsura, na dapat lagi tayong nakaayos at inaalagaan ang ating sarili upang manatiling maganda. Kailangan nating maging maganda palagi para sa ating mga asawa kung mayroon mang asawa.

Ugaliing uminom ng green tea araw-araw para ma-relax ang ating beauty, dahil minsan nakakapanget ang subrang stress, at mayroong ibat-ibang dahilan kaya ka na-stress, maaring ginagalit ka ng mga anak mo, o di kaya’y nag-aaway kayo ng asawa mo, nakaka-stress din iyon. At kqpag ikaw ay na stress hindi na maipinta ang iyong mukha, nagmistula na itong nakalukot na papel, kung hindi ka nakasimangot dahil sa galit at inis, ay namumutla ka naman dahil sa stress sa walang tulog.

Huwag din kalimutan ang sweet almond oil upang matanggal agad ang ating mga lipstick pag-uwi natin galing sa trabaho, kailangan natin ang almond oil lalong-lalo na kapag waterproof ang ating mga lipstick, iyong klase ng mga lipstick na hindi basta-basta natatanggal.

Ang Vaseline naman ay para sa ating mga kilay, upang maging maganda ang shape nito. Lalong-lalo na sa panahon ngayon, kahit walang kain basta ang kilay maganda pa rin ang shape nito.

Ang niyog naman ay para sa ating buhok, sa tuwing kayo’y maliligo huwag kalimutan na magpiga ng niyog araw-araw, para sa buhok natin upang maging healthy at shiny ito. Ibuhos lang ang katas ng kalahating niyog sa ulo natin at imassage at pagkatapos banlawan Ito.

Ang pag-iba ng kulay ng buhok, ang paglalagay ng kulay ng buhok nakadag-dag puntos ito sa kagandahan nating mga babae. Dahil kapag nag-iba ang kulay ng ating buhok ay nag-iba din ang itsura natin lalo na kapag iba ang style ng buhok natin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here