Royal love affairs

Nasubukan niyo na bang magmahal ng isang mayaman na babae o di kaya’y lalake?

Siguro may nakasubok na nagmamahal ng isang mayaman o di kaya’y nagmamahal hanggang ngayon.

Karamihan sa ating mga babae ay nakaugalian ng mangarap na magkaroon ng prince charming, kung hindi man totoong prinsipe ay isang mayaman na lalake, may nangyayari na sa totoong buhay nito.

May mga mayayaman na lalake na nagmahal din ng mga mahihirap na babae, subalit ang pamilya niya ay isang balakid sa pagmahahalan nila. Ayaw ng mga mayayaman na makakasalamuha o di kaya’y maging isang parte ng pamilya ang isang kamag-anak na mahirap lang. Ang tingin nila dito eh oportunista.

Kadalasan ganito ang nagiging  sitwasyon ng mga babaeng nagmamahal ng isang mayaman, ayaw ng mga mayayaman na masali ka sa kanilang Royal family. Kapag ganito ang magiging sitwasyon ng taong mahal mo, kung gusto niyong ipaglaban ang inyong pagmamahalan dapat maghanda-handa ka na dahil kapag ganito tinatanggalan ng mana ang kanilang anak o di naman kaya’y hindi na kilalaning kapamilya nila kapag ikaw ang pinili ng taong mahal mo.

Kahit hindi lahat ng babaeng nagmamahal ng mayayaman ay ang habol ay ang yaman nito, iniisip na ng mga mayayaman ay ang yaman lang nila ang habol mo kaya gusto mong maging parte ng pamilya nila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here