Mahal ka din ng taong mahal mo

Tayong lahat ay may mga crush, iyong taong gusto natin. Kadalasan kapag kaharap natin ang taong gusto natin ay hindi natin alam kung ano ang ating gagawin, hindi tayo mapakali at kinakabahan tayo sa tuwing kaharap natin sila. Ibig sabihin mahiyain ka.

Kapag nagpapakita ka din naman ng moves na gusto mo siya, pinapakita mo sa galaw mo na gusto mo siya, kumbaga China chanchigan mo siya at gagawin mo lahat magkagusto lang sa iyo ang taong gusto mo. Ibig sabihin noon ay medyo makapal ang mukha mo.

Kapag deadma ka kunwari, sa tuwing kaharap mo ang taong gusto mo, at kunwari hindi mo siya napapansin at abala ka sa ginagawa mo, kahit gustong-gusto mo na siyang kausapin ay deadma ka pa rin, pero hindi niya alam na naka 360 degrees pala iyong mga mata mo pero nagkukunwari ka pa rin na wala kang pakialam sa presensiya niya. Ibig sabihin noon ay mapride ka.

Ito ang tandaan niyo kahit ano ka pa, kahit nasa sa iyo na lahat ng kapintasan, kapag dumating na iyong taong para sa iyo, kahit ano ka pa ay mamahalin ka niya. Minsan nga ang nakikita at magustuhan ng taong iyon sa iyo ay ang pagiging imperfect mo. Kaya huwag kayong padalos-dalos at antayin nalang nating dumating ang taong iyon sa buhay natin upang hindi tayo masabihan ng hindi maganda, dahil minsan ay nagkakamali tayo ng akala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here